Kabataan, Parokya, paaralan at youth organization, inaanyayahang makibahagi sa WYD 2027

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,234 total reads

Inaanyayahan ng Archdiocesan Commission on Youth (ACY) ng Archdiocese of Manila ang mga kabataan, parokya, paaralan, at iba pang youth organizations na makibahagi sa ika-41 World Youth Day (WYD) na gaganapin sa Seoul, South Korea mula August 3 hanggang 9, 2027.

Ayon kay ACY Minister Fr. Marthy Marcelo, binigyang-diin nito na ang World Youth Day ay higit pa sa isang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan sapagkat ito rin ay paraan ng pakikipagtagpo kay Hesus sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga delegado.

“World Youth Day is far more than an international gathering. It is a powerful encounter with the living Christ, a pilgrimage that brings together millions of young people from every nation, culture, and language to celebrate the beauty of our Catholic faith and the vitality of the Church,” ayon kay Fr. Marcelo.

Paliwanag ng pari na nagsisilbing pagkakataon ang WYD upang maranasan ng mga kabataan ang pagiging bahagi ng pandaigdigang Simbahan at higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya.

“It is a moment when young people realize that they are not alone in their faith journey but are part of a vibrant and universal Church united in Christ,” aniya.
Binigyang-diin din ng ACY na sa paglipas ng panahon ay nakapagbigay ang World Youth Day ng inspirasyon sa maraming kabataan upang tahakin ang bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso, mapalalim ang pananampalataya, at maging mga lider na naglilingkod sa Simbahan at sa lipunan.

Bubuksan ng ACY ang pre-registration para sa mga nagnanais na lumahok sa opisyal na delegasyon ng arkidiyosesis mula June 25 hanggang July 31, 2026.
Sinabi ni Fr. Marcelo na ang proseso ng aplikasyon ay sasailalim sa panayam at masusing pag-aaral upang matiyak ang aktibong pakikilahok ng mga kandidato sa kanilang mga parokya, paaralan, bikaryato, at iba pang gawaing pangkabataan.

“Through this process, we hope to form a delegation that will faithfully represent the Archdiocese of Manila and serve as ambassadors of our local Church to the world,” ani Fr. Marcelo.

Bukod sa mismong World Youth Day, hinihikayat din ng ACY ang mga delegado na lumahok sa buong programa, kabilang ang “Days in the Dioceses” mula July 29 hanggang August 2, 2027, at “Days of Repose” mula August 10 hanggang August 12, 2027.

Ibinahagi ng pari na ang “Days in the Dioceses” ay magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang peregrino na makisalamuha sa mga lokal na komunidad sa Korea, makibahagi sa pagpapalitan ng kultura, at masaksihan ang yaman at pagkakaiba-iba ng pandaigdigang Simbahan.

Sinabi rin ng ACY ang dalawang pilgrimage package na inihanda para sa mga kalahok, subalit mariing hinihikayat ng komisyon ang pagpili sa buong World Youth Day Experience upang lubos na maranasan ang paglalakbay ng pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na diyosesis.

Hinimok ni Fr. Marcelo ang mga pari, mga tagapagturo, at mga lider ng Simbahan na suportahan ang pakikilahok ng mga kabataan sa pandaigdigang pagtitipon.
“Your support and encouragement can help a young person encounter Christ in a profound way, discover his or her vocation, and embrace a deeper commitment to the mission of the Church,” ani Fr. Marcelo.

Ang tema ng World Youth Day Seoul 2027 ay hango sa Ebanghelyo ni San Juan 16:33: “Take courage! I have overcome the world.” Ito ang magiging unang World Youth Day sa South Korea at inaasahang dadaluhan ito ng milyun-milyong kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 17,850 total reads

 17,850 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 103,255 total reads

 103,255 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 167,098 total reads

 167,098 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 255,182 total reads

 255,182 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 337,355 total reads

 337,355 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top