Paggamit ng renewable energy, pinalakas ng parokya sa Quezon province

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,952 total reads

Pinalawak ng St. Catherine of Alexandria Parish Church sa Pagbilao, Quezon ang paggamit ng renewable energy bilang bahagi ng pagtugon sa panawagan ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at mabawasan ang epekto ng climate change.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng pamunuan ng parokya, sa pangunguna ni Msgr. Noel Villareal, ang paglalagay ng bagong 10-kilowatt on-grid solar power system sa kumbento upang mapalawak ang paggamit ng malinis na enerhiya.

“As another step in our parish’s commitment to care for our common home, we have installed a 10 kW on-grid solar power system for the rectory. This more than meets the energy requirements of our two newly installed office air-conditioning units and other operations,” pahayag ng pamunuan ng St. Catherine of Alexandria Parish Church.

Dagdag pa nito, ang bagong pasilidad ay karagdagan sa umiiral nitong 5-kilowatt on-grid solar system sa kumbento at 10-kilowatt hybrid solar system sa mismong simbahan.

Ayon sa mga opisyal, inaasahang makatutulong ang paggamit ng renewable energy upang mabawasan ang gastusin sa kuryente at mailaan ang mas malaking bahagi ng pondo sa mga gawaing pastoral at mga programang panlipunan ng simbahan.

“By relying more on clean, renewable energy, we reduce electricity costs and free up more resources for the Church’s pastoral and social ministry,” ayon sa pahayag.

Binigyang-diin din ng pamunuan na mahalagang salik sa kanilang desisyon ang lumalaking banta ng El Niño at nagbabagong klima na patuloy na nakaaapekto sa mga pamayanan.

Ayon pa sa parokya, ang paggamit ng solar energy ay isang konkretong tugon sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na isulong ang pangangalaga sa kalikasan at responsableng pangangasiwa sa sangnilikha.

“Caring for creation is not only an environmental responsibility—it is an act of Christian stewardship,” giit ng parokya.

Kaakibat din ito ng pagsusulong ng Simbahang Katolika sa paggamit ng mas malinis na pinagkukunan ng enerhiya sa gitna ng mga pangamba sa epekto ng mga coal-fired power plant sa kapaligiran.

Matatagpuan sa Quezon ang ilang coal-fired power facilities kabilang ang mga planta sa Mauban at Pagbilao, habang nakatakda rin ang isang panukalang 1,200-megawatt coal-fired power project sa bayan ng Atimonan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 32,787 total reads

 32,787 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 87,012 total reads

 87,012 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 150,693 total reads

 150,693 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 218,764 total reads

 218,764 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 248,950 total reads

 248,950 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,257 total reads

 47,257 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top