Tarlac Bishop Mallari, suportado ang paninindigan ni Bishop Mangalinao laban sa mining exploration sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,850 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta si Tarlac Bishop Roberto Mallari kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay ng kinakaharap nitong kaso dahil sa pagtutol sa mining exploration activities sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Bishop Mallari ang matatag na paninindigan ni Bishop Mangalinao sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa karapatan ng mga lokal na pamayanan na maaaring maapektuhan ng mga proyekto sa pagmimina.

Ayon kay Bishop Mallari, ang adbokasiya ni Bishop Mangalinao ay sumasalamin sa tunay na servant leadership at sa malalim na pananagutan ng Simbahan na pangalagaan ang “common home” o ang sangnilikha ng Diyos.

Kasabay nito, tiniyak ng obispo ang kanyang panalangin para sa katarungan, lakas, at patuloy na pag-iingat kay Bishop Mangalinao habang kinakaharap nito ang mga hamon.

“I stand firmly with Bishop Mangalinao in his courageous stand against mining exploration in Kasibu, Nueva Vizcaya. His advocacy to protect the environment and the rights of local communities reflects true servant leadership and a deep commitment to our common home. We pray for justice, strength, and protection for him as he faces these challenges,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Kamakailan ay kinasuhan si Bishop Mangalinao kasama ang iba pang environmental advocates kaugnay ng kanilang pagtutol sa exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Patuloy namang lumalawak ang suporta ng mga lider ng Simbahang Katolika para sa obispo na naninindigan para sa pangangalaga ng kalikasan at kapakanan ng mga apektadong komunidad.

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 22,492 total reads

 22,492 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 80,941 total reads

 80,941 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 114,274 total reads

 114,274 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 146,418 total reads

 146,418 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 212,477 total reads

 212,477 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 226,620 total reads

 226,620 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 120,848 total reads

 120,848 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top