Kasong isinampa laban kay Bishop Mangalinao, ipinawalang bisa ng korte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,848 total reads

Ipinawalang-bisa ng Kasibu Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan na tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat si Bishop Mangalinao sa naging pasya ng hukuman at sa mga nagpahayag ng suporta at panalangin sa kanilang hanay sa gitna ng kinaharap na legal na usapin.

Ayon sa obispo, ang desisyon ay hindi lamang tagumpay sa larangan ng batas kundi tagumpay rin para sa katotohanan, katarungan, at sama-samang pagkilos ng mga komunidad na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

“We are deeply grateful for your prayers, solidarity, encouragement, and unwavering support throughout this challenging journey. You reminded us that we were never alone,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Nag-ugat ang kaso sa pagtutol ng mga residente, environmental advocates at mga lider ng Simbahan sa mining exploration activities sa Kasibu, Nueva Vizcaya na pinangangambahang magdulot ng banta sa mga watershed, kalikasan at kabuhayan ng mga komunidad.

Nagpasalamat din si Bishop Mangalinao sa mga abogadong nagbigay ng libreng serbisyong legal at tumulong sa pagtatanggol sa kanilang adbokasiya para sa environmental justice at kapakanan ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ng obispo na wala silang hinanakit laban sa sinuman at mananatili silang nakatuon sa mapayapang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit din ni Bishop Mangalinao na ang pagtatanggol sa mga watershed, kalikasan at kabuhayan ng mamamayan ay hindi isang krimen kundi isang moral na pananagutan ng lahat.

“The struggle continues, but today we pause to thank God and all who stood with us our families, communities, Indigenous peoples, Church leaders, friends, supporters, benefactors, environmental advocates, the faithful and every supporter who believed in our cause,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Patuloy namang nananawagan ang obispo ng pagkakaisa para sa pangangalaga sa mga watershed ng Nueva Vizcaya at Quirino para sa buhay, kabuhayan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 32,803 total reads

 32,803 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 87,028 total reads

 87,028 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 150,709 total reads

 150,709 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 218,780 total reads

 218,780 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 248,966 total reads

 248,966 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,259 total reads

 47,259 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top