Paaralang Heswita, hinimok ng Santo Papa na maging katuwang ng simbahan sa paghubog ng mabubuting lider

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,761 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga pamantasan at kolehiyong pinangangasiwaan ng mga Heswita na maging katuwang ng Simbahan sa paghuhubog ng mga lider na magtataguyod ng katotohanan, katarungang panlipunan at kabutihang panlahat sa gitna ng lumalawak na hamon ng makabagong panahon.

Sa kanyang mensahe sa mga pangulo at kinatawan ng Association of Jesuit Colleges and Universities ng North America sa Vatican noong June 25, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi sapat na ituro lamang sa mga mag-aaral ang mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

“Your institutions are called not only to teach your students about the injustices faced by those on the margins of society, but also to be powerful channels in promoting systemic change through proposing new models rooted in solidarity and the common good,” ayon kay Pope Leo XIV.

Tinukoy rin ng Santo Papa ang patuloy na paglaganap ng sekularismo, lumalalang kahirapan, pagdami ng mga migranteng napipilitang lumikas, pagkasira ng kalikasan, pagkawala ng pag-asa ng maraming kabataan at ang mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence bilang ilan sa pinakamalalaking hamong kinakaharap ng sangkatauhan.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pope Leo ang mahalagang papel ng mga institusyong pang-edukasyon sa paghubog ng etikal na paggamit ng artificial intelligence.

“It is important to begin now to address the consequences, both positive and negative, that come from these advances,” aniya.

“Colleges and universities have a special role to play in this regard, especially through giving fresh impetus to the principles of the Church’s Social Doctrine in a way that will be relevant and effective in addressing the digital revolution.”

Iginiit din ni Pope Leo XIV na ang tunay na layunin ng akademikong pananaliksik ay hindi lamang ang paglinang ng kaalaman kundi ang paghahanap sa Diyos na siyang pinagmumulan ng katotohanan.

“Those who conduct research, those who pursue studies, and those who seek the truth are ultimately seeking God, whether they realize it or not,” giit ni Pope Leo XIV.

Nagpahayag din ng pag-asa ang Santo Papa sa gitna ng umiiral na sekularisasyon sa lipunan matapos niyang ibahagi ang lumalaking bilang ng mga kabataang nagbabalik-loob sa pananampalataya.

“Many young people and adults are rediscovering the Christian faith, sometimes after having drifted away from God over a period of time,” saad pa ng Santo Papa.

Hinikayat ng punong pastol ang mga pamantasang Heswita na patuloy na maglaan ng pagkakataon para sa espirituwal na paghubog, panalangin, pagninilay at pagtalima sa Spiritual Exercises ni San Ignacio de Loyola upang magkaroon ng personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo ang mga miyembro ng kanilang akademikong pamayanan.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang pangangailangang mapanatili ang pag-asa ng mga kabataan sa pamamagitan ng diyalogo, paglilingkod at pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 35,223 total reads

 35,223 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 89,277 total reads

 89,277 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 152,958 total reads

 152,958 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 220,920 total reads

 220,920 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 251,103 total reads

 251,103 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top