Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga sangkot sa korapsyon, kailangang managot-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total views

Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP Commission on Interreligious Dialogue, na dapat managot ang lahat ng sangkot sa korapsyon dahil isa itong mabigat na kasalanan at pagtataksil sa sambayanan.

Sa kanyang talumpati sa isinagawang White Ribbon March nitong June 28 sa EDSA People Power Monument, binigyang-diin ng obispo na hindi dapat manahimik ang mamamayan habang patuloy na ninanakaw ang yaman ng bayan na dapat nakalaan para sa mga programa at proyektong mapakikinabangan ng mamamayan lalo na ng mahihirap.

“Hindi tayo maaaring manahimik habang ninanakaw ang pondong para sana sa mahihirap. Hindi tayo maaaring manahimik habang ang kaban ng bayan ay ginagawang personal na kayamanan ng iilan. Hindi tayo maaaring manahimik habang ang korapsyon ay patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating mga anak,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inilarawan ng obispo ang korapsyon sa bansa bilang usaping moral at panlipunan dahil ito ay mabigat na kasalanan nang pagnanakaw at pagtataksil sa taumbayan.

Paliwanag pa ni Bishop Bagaforo na ang bawat pisong ninanakaw sa kaban ng bayan ay direktang nagkakait ng pangunahing serbisyo sa mga nangangailangan.

“Kapag ninakaw ang pera ng bayan, ninanakaw mo ang gamot ng maysakit. Ninanakaw mo ang pagkain ng nagugutom. Ninanakaw mo ang edukasyon ng kabataan. Ninanakaw mo ang pag-asa ng sambayanan,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan ang obispo ng pantay na pagpapatupad ng batas at pananagutan sa lahat ng mapatutunayang nagkasala anuman ang katayuan sa lipunan o panig sa pulitika.

“Kung may nagkasala, dapat managot. Kung may nagnakaw sa bayan, dapat panagutin. Kung may kurakot, dapat ikulong. Walang exempted. Walang VIP. Walang makapangyarihan o mahirap. Walang kaalyado o kalaban. Ang batas ay dapat pairalin sa lahat. Sapagkat ang tunay na katarungan ay walang pinipili,” giit ni Bishop Bagaforo.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na samahan ng konkretong pagkilos ang kanilang panalangin para sa pagbabago ng lipunan.

“Hindi sapat ang magdasal lamang para sa pagbabago. Kailangan din nating tumindig para sa pagbabago. Hindi sapat ang humiling ng mabuting pamahalaan. Kailangan din nating igiit ang pananagutan,” ani ng obispo.

Binigyang-diin pa ni Bishop Bagaforo na ang layunin ng White Ribbon March ay hindi upang maghasik ng galit kundi upang gisingin ang kamalayan ng sambayanan laban sa katiwalian.

“Hindi tayo narito upang gisingin ang konsensya ng bayan. Sapagkat ang katahimikan sa harap ng korapsyon ay pakikiisa sa korapsyon,” saad ni Bishop Bagaforo.

Ang White Ribbon March ay dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang relihiyon, mga kinatawan ng civil society organizations, at mga mamamayang nagkaisa sa panawagan para sa katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala.

Nagsimula ang pagtitipon sa banal na misang pinangunahan ni Bishop Bagaforo sa National Shrine of Mary, Queen of Peace of EDSA Shrine na sinundan ng martsa patungong EDSA People Power Monument.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 35,765 total views

 35,765 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 103,253 total views

 103,253 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 124,318 total views

 124,318 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 146,489 total views

 146,489 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 181,305 total views

 181,305 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top