Diocese of Laoag, nanindigan laban sa offshore wind projects sa Ilocos Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,536 total reads

Nanindigan ang Diocese of Laoag laban sa planong pagtatayo ng malawakang offshore wind projects sa karagatan ng Burgos, Bangui, at Pagudpud sa Ilocos Norte, dahil sa posibleng epekto nito sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda at sa kalikasan.

Sa liham-sirkular na “Defending Our Common Home“, inihayag ni Laoag Bishop Renato Mayugba na bunga ng pakikinig, panalangin, at pagninilay kasama ang mga apektadong komunidad ang naging paninindigan ng diyosesis.

Ayon sa obispo, bagama’t kinikilala ng Simbahan ang kahalagahan ng renewable energy, hindi ito dapat isulong kapalit ng kapakanan ng mahihirap at ng pagkasira ng kalikasan.

“True ecological conversion demands that the pursuit of green energy must not come at the expense of the poor and the destruction of our local environment,” ayon kay Bishop Mayugba.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang tunay na pangangalaga sa kalikasan, ayon sa diwa ng Laudato Si’, ay dapat isaalang-alang ang katarungang panlipunan at ang panawagang pakinggan kapwa ang hinaing ng daigdig at ng mahihirap.

Nagbabala rin si Bishop Mayugba na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng mahigit 6,500 mangingisda sa mga bayan ng Pasuquin, Burgos, Bangui, at Pagudpud dahil sa planong pagtatatag ng permanenteng 50-meter no-sail zones sa paligid ng mga wind turbine, na maglilimita sa kanilang tradisyunal na pangingisdaan.

“True human development cannot be built on the backs of marginalized coastal communities for the benefit of distant investors,” saad ni Bishop Mayugba.

Ipinahayag din ng obispo ang pagtutol sa anumang proyektong maaaring magdulot ng pinsala sa yamang-dagat, kabilang ang pagkasira ng mga marine habitat at pag-abala sa biodiversity dulot ng konstruksyon ng mga pundasyon ng wind turbines sa ilalim ng dagat.

Iginiit ng diyosesis na ang dagat, hangin, at lupain ng Ilocos Norte ay hindi maaaring ituring na kalakal kundi isang banal na pamana na dapat pangalagaan para sa susunod na henerasyon.

Nanawagan din si Bishop Mayugba sa mga opisyal ng pamahalaan, environmental scientists, mga institusyong pang-edukasyon, kabataan, mangingisda, at iba pang sektor na magkaisa sa pangangalaga sa karagatan at tiyaking ang tunay na kapakanan ng tao at kalikasan ang mananaig kaysa sa interes ng malalaking negosyo.

“Let our collective voice echo across the waves of Bangui Bay, from the shores of Burgos to the hills of Pagudpud.
We will defend our waters, we will protect our poor, and we will preserve our future,”
panawagan ni Bishop Mayugba.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 67,477 total reads

 67,477 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 170,975 total reads

 170,975 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 207,763 total reads

 207,763 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 238,338 total reads

 238,338 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 283,884 total reads

 283,884 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,838 total reads

 57,838 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top