Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

85-pesos na wage hike, hindi sapat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 223 total views

Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na hindi sapat ang ipatutupad na 85-pesos na dagdag-sahod sa minimum wage earners sa National Capital Region o NCR.

Iginiit ng EILER na bagamat ito ang pinakamataas na wage increase sa kasaysayan ay nananatili pa rin itong malayo sa antas ng nakabubuhay na suweldo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, langis, at iba pang pangunahing bilihin o serbisyo.

Ayon kay EILER Executive Director Rochelle Porras, hindi nangangahulugan na makabuluhan ang pagtaas ng minimum wage kung hindi naman ito umaabot sa antas na sapat upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya na apektado ng patuloy na pagtaas ng inflation at mataas na presyo ng mga bilihin.
““Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng NCR labor productivity simula 2000, bumaba ang tunay na halaga ng sahod sa NCR. Kung kaya naman walang signipikanteng pagtaas sa loob ng dalawampung taon,” ayon sa mensahe ni Porras.

Ipinaliwanag ng EILER na ang kasalukuyang average minimum wage sa bansa ay malayo pa rin sa P1,305 Family Living Wage para sa pamilyang may limang miyembro.
Sa NCR naman kahit umabot na sa 780-pesos ang arawang minimum wage ay malaki pa rin ang agwat nito sa tinatayang P1,279 Family Living Wage.
Binatikos din ng EILER ang 2-beses na pagpapatupad ng dagdag-sahod kung saan 60-pesos ang ipatutupad sa ika-19 ng Hulyo 2026 habang ang nalalabing 25-pesos ay sa January 2027 pa ipapatupad.

“Kaisa ang mga manggagawa, patuloy nating igigiit ang karapatan sa nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at isang ekonomiyang tunay na nakabatay sa kapakanan ng mamamayan at hindi sa interes ng iilan, “ bahagi pa ng mensahe ni Porras sa EILER.

Patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagtataguyod sa dignidad ng paggawa at makatarungang pasahod at mga polisiyang magbibigay ng sapat na kabuhayan at digdinad sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 7,801 total views

 7,801 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 29,867 total views

 29,867 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 45,563 total views

 45,563 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 53,741 total views

 53,741 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 117,383 total views

 117,383 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top