Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CWS, dismayado sa 85-pesos na dagdag sa daily minimum wage sa NCR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total views

Kinundena ng Church People-Workers Solidarity o CWS ang ipapatupad na 85-pesos daily minimum wage hike sa mga manggagawa sa National Capital Region na hinati sa dalawa ang implementasyon.

60-pesos ipapatupad sa July 19, 2026 habang ang dagdag na 25-pesos ay sa January 2027 pa magri-reflect sa payslip ng mga manggagawa.

Ayon kay CWS National Chairman at Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bagama’t positibo ang anumang dagdag-sahod, hindi ito sapat upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, pabahay, edukasyon, serbisyong pangkalusugan, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa.

Nilinaw ng CWS na malayo ang bagong minimum wage na 780-pesos sa family living wage na 1,300-pesos kada araw sa Metro Manila.

“While any wage adjustment is welcome, this increase falls far short of what workers and their families need to live with dignity. At a time when the cost of food, transportation, housing, education, healthcare, electricity, and other basic necessities continues to rise across the country, this adjustment offers only limited relief. With the estimated family living wage in Metro Manila now exceeding ₱1,300 per day, many workers will continue struggling simply to provide the essentials for their families,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Bishop Alminaza sa pamahalaan na magpatupad ng tunay na living wage, ayusin ang mga umiiral na regional wage system, sugpuin ang inflation, korapsyon, at palakasin ang proteksiyon sa karapatan at seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.

Binigyang-diin ng grupo ang turo ng Simbahang Katolika na ang makatarungang sahod ay usapin ng dignidad ng tao at katarungang panlipunan.

“A just wage is not merely an economic issue; it is an act of faithful stewardship. A society that values work must also value workers. When labor is honored, human dignity is protected, families flourish, and the common good is strengthened,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 36,579 total views

 36,579 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 58,645 total views

 58,645 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 74,341 total views

 74,341 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 81,800 total views

 81,800 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 143,228 total views

 143,228 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

85-pesos na wage hike, hindi sapat

 2,441 total views

 2,441 total views Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na hindi sapat ang ipatutupad na 85-pesos na dagdag-sahod sa minimum wage

Read More »
Scroll to Top