Mananampalataya, hinimok na tularan ang birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,522 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pananampalataya at daan upang higit na mapalapit sa Panginoong Hesukristo.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng 20th founding anniversary ng Our Lady of Caysasay – Marikina Chapter na ginanap sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados sa Marikina City.

Ayon kay Bishop Santos, ang Mahal na Birhen ay patuloy na nagsisilbing patnubay, gabay, at tagapamagitan ng bawat mananampalataya na siyang daan upang higit na makilala,, mahalin at paglingkuran si Hesukristo.

“Ang ating Mahal na Ina ay palaging ating patnubay at gabay, ating huwaran, At sa Kanyang pagkakalinga, pamimintuho, at pamamagitan sa Kanyang anak, tayo ay tiyak na kung saan dadalhin Niya tayo sa tamang landas patungo at pabalik sa Diyos. At sigurado at tiyak na kung saan ang ating panalangin, ang ating dalangin ay makararating sa Diyos, At tiyak at sigurado na ito ay sasagutin. Hindi tayo bibiguin. Ang lahat ng ating ginagawa sa ating Mahal na Ina ay nararapat na magdulot sa atin na higit natin makilala si Jesus, na higit natin siyangs mahalin, at higit natin Siyang paglingkuran”. ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Ipinaalala rin ni Bishop Santos na ang buhay ng mahal na Birhen ay larawan ng ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos kaya nanatili si Maria sa piling ng Panginoon at ng Kanyang Anak hanggang sa wakas.

Binigyang-diin naman ni Our Lady of Caysasay – Marikina Chapter Head Brother Vicente Ragüero na si Hesukristo ang dapat manatiling sentro ng bawat debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Inihayag ni Ragüero na ang patuloy na paglago ng kanilang apostolado ay bunga ng kapangyarihan ng Diyos at ng tapat na pagtitiwala sa Kanya.

Hinikayat naman ni Raguero ang mga mananampalataya na manalangin nang taos-puso, magsisi sa kanilang mga kasalanan, at manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Tiniyak ni Raquero na ang mahal na birheng Maria ay laging umaakay sa mga tao patungo kay Hesukristo, alinsunod sa kanyang mensaheng, “I’m always behind my Son. Not me, it’s always my Son.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,299 total reads

 98,299 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 148,663 total reads

 148,663 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,364 total reads

 277,364 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 362,750 total reads

 362,750 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,265 total reads

 421,265 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top