Nawawalang 700-hektaryang humid primary forest sa Negros Occidental, pinuna ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,226 total reads

Ikinabahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, ang pagkawala ng humigit-kumulang 700 ektarya ng humid primary forest sa Negros Occidental mula 2002 hanggang 2025, batay sa pinakahuling datos ng Global Forest Watch.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi dapat maliitin ang pagkawala ng mga sinaunang kagubatang nabuo sa loob ng daan-daan hanggang libu-libong taon dahil hindi na ito basta maibabalik.
“Once they are lost, they cannot simply be replanted within our lifetime,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng obispo na ang mga primary forest ay mahalaga bilang tahanan ng iba’t ibang uri ng buhay, pinagkukunan ng malinis na tubig, panangga laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, at tagasipsip ng carbon na nakatutulong sa pagharap sa climate change.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang pagkawala ng mga kagubatan ay dulot ng pagpapalawak ng agrikultura, hindi napapanatiling pagtotroso, pagmimina at quarrying, pagpapatayo ng imprastraktura, mga sunog sa kagubatan, at lumalalang epekto ng climate change.

Aniya, pinalalala pa ito ng mahinang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan, katiwalian, hindi maayos na land-use planning, at kaunlarang inuuna ang panandaliang tubo kaysa sa kabutihang panlahat.

“This is why protecting our forests is not an obstacle to authentic development. It is a necessary condition for development that is just, sustainable, and life-giving,” saad ni Bishop Alminaza.

Dahil dito, nanawagan ang obispo ng mas mahigpit na pangangalaga sa mga natitirang kagubatan at mas responsableng pamamahala sa likas na yaman.
Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang tao ay hindi may-ari kundi katiwala lamang ng kalikasan, kaya’t ang pagpapabaya rito ay hindi lamang pagkabigo sa pangangalaga sa kapaligiran kundi maging sa moral at espirituwal na pananagutan.

Hinimok naman ng obispo ang iba’t ibang sektor ng lipunan na isulong ang ecological conversion at sama-samang pangalagaan ang kalikasan bilang kaloob ng Diyos para sa kasalukuyan at sa susunod na mga henerasyon.

“For the forests we protect today are the hope, security, and inheritance of tomorrow. Our forests are God’s gift. Our stewardship is our sacred responsibility,” ayon kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,879 total reads

 227,879 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,610 total reads

 259,610 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,434 total reads

 361,434 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,997 total reads

 401,997 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,359 total reads

 413,359 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,186 total reads

 143,186 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top