266 total views
Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa unang araw ng paglilitis ng Senate impeachment court ngayong Lunes.
Bago ang impeachment proper, binigyan diin ng mga tagapagsalita ng House Prosecution na nararapat lamang na dumalo si VP Duterte na isang pagkakataon upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Ayon kay Rep. Co, karapatan ng bawat Filipino na marinig ang panig ni VP Duterte.
Sinabi naman ni Rep. Zia Alonto Adiong,” No one should fear the truth. The proper venue to test the facts is the impeachment court.”
Samantala, naihalal naman bilang Presiding Officer ng Impeachment Court si Senator Francis Escudero sa botong 12-8, ito ay sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng minorya na pinamumunuan ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Sen. Cayetano, dapat ay simulan na ang paglilitis at pamunuan ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Sa panig naman ng House Prosecution, hindi na mahalaga kung sino ang umupong presiding officer, at dapat nang agad na simulan ang paglilitis upang mailahad na ang mga ebidensya at testigo.
“Malakas at matibay po ang aming kaso,” saad ni Adiong.
Ayon kay Rep. Zia Alonto-Adiong, isa sa tagapagsalita ng prosecution panel-iginagalang nila ang pasya ng mga Senator-Judges at ng buong Impeachment Court .
Sa pahayag naman ni Presiding Officer-Sen. Escudero, tiniyak nito ang pagkakaroon ng patas na paglilitis sa kauna-unahang impeachment case sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Pinaalalahanan din ni Escudero ang prosecution at defense na mag-inga at umiwas sa pagtalakay kaugnay sa paglilitis.
Binigyan din pa ng ng Presiding Officer na ipapatupad ng Senate Impeachment court ang umiiral na 2/3 of all the members of the senate (24) o kinakailangan ng 16 senator-judges upang patunayan ang pagkakasala ng nasasakdal.
Kabilang sa mga humarap sa impeachment court ang 11 Panel of Prosecutors na pinangungunahan ni Batangas Rep. Gerville Luistro kasama sina Representatives Jose Manuel Diokno, Leila de Lima, Joel Chua, Kaka Bag-ao, Lorenz Defensor, Keith Flores, Ysabel Zamora, Rodge Gutierrez, at Lordan Suan, kasama ang 15 Counsel for Prosecutors kabilang na si Atty. Lorna Kapunan at Atty. Benjamin Tolosa Jr. -na nagsisilbi ring legal spokesperson.




