Hanapin, pakinggan at ibalik ang dignidad ng mga dukha, paanyaya ni Cardinal David sa kapwa Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,452 total reads

Hinikayat ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga kapwa pastol ng simbahan na higit na isabuhay ang tunay na diwa ng synodality sa pamamagitan ng aktibong paghahanap, pakikinig, at pagbabalik ng dignidad sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Ito ang pangunahing mensahe ng kardinal sa kaniyang homiliya sa pagtatapos ng ikatlong araw ng taunang retreat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa synodality, kasabay ng opening mass sa pagdating ng Pilgrim Image ng Our Lady of Guadalupe sa Holy Child Parish sa Clarin, Misamis Occidental.

Ayon kay Cardinal David, ang isang tunay na Simbahang sinodal ay hindi naghihintay na kusang magbalik ang mga lumayo sa pananampalataya kundi siya mismo ang lumalapit sa kanila, lalo na sa mga nakararanas ng paglimot at pagtatakwil.

“A synodal Church is gracious because she takes the initiative, going in search of those who have drifted away without waiting for them to come back first,” ayon kay Cardinal David.

Pinagnilayan ng kardinal ang salaysay sa Ebanghelyo tungkol sa isang babaeng inilarawang napilitang manirahan sa laylayan dahil ibinukod siya ng lipunan at ng batas ng relihiyon.

Ipinagdarasal ni Cardinal David na tulad ni Hesus, nawa’y maisabuhay ng mga pastol ng simbahan ang pagiging mapagkalinga sa bawat isa.

“A synodal Church is merciful because she refuses to pass by those who have been left at the laylayan. She listens before she speaks, accompanies before she judges, and restores dignity before asking anything in return,” ani ng Kardinal.

Ipinaliwanag ni Cardinal David na ang katangian ng Diyos bilang “gracious and merciful” ang dapat maging huwaran ng Simbahan sa pakikitungo sa bawat tao, lalo na sa mga mahihirap, mga isinantabi, at mga nawawalan ng pag-asang kabilang pa rin sila sa pamayanan ng pananampalataya.

Binigyang-diin din ng kardinal na ang synodality ay hindi lamang tungkol sa sabayang paglalakbay ng Simbahan kundi sa pagiging handang huminto upang mapansin at samahan ang mga nangangailangan.

“Synodality is not only about walking together. Sometimes it is about knowing when to stop, whom to notice, and whom to draw near,” dagdag pa ni Cardinal David.

Inihalintulad ng Kardinal ang Simbahan sa halimbawa ni Hesus sa Ebanghelyo na huminto sa Kanyang paglalakbay upang damayan at ibalik ang dignidad ng babaeng labindalawang taong dumanas ng pagdurugo, gayundin sa Mabuting Samaritano na piniling unahin ang nasugatang tao kaysa sa sariling lakad.

Sinabi ni Cardinal David na angkop ang pagtatapos ng retreat sa harap ng Pilgrim Image of Our Lady of Guadalupe sapagkat ipinakikita nito ang Diyos na unang lumalapit sa mga maliliit at nakalilimutan ng lipunan.
Hinimok ni Cardinal David ang mga obispo at buong Simbahan na maging larawan ng pusong “gracious and merciful” ng Diyos upang higit na maisabuhay ang isang Simbahang marunong maghanap, huminto, makinig, lumapit, at magpanumbalik ng dignidad sa bawat anak ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,570 total reads

 231,570 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,301 total reads

 263,301 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,125 total reads

 365,125 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,688 total reads

 405,688 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,811 total reads

 416,811 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top