Mahalagang papel ng pamilya sa misyon ng simbahan, higit pang patitibayin ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,786 total reads

Muling pagtitibayin ng Vatican ang mahalagang papel ng pamilya sa misyon ng Simbahan sa gaganaping pagpupulong ni Pope Leo XIV kasama ang mga pinuno ng Eastern Catholic Churches at mga pangulo ng Episcopal Conferences mula October 7 hanggang 14, 2026 bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng apostolic exhortation na Amoris Laetitia.

Sa inilabas na thematic framework ng pagpupulong, layunin nitong magsagawa ng sama-samang pagninilay at synodal discernment upang higit pang mapatatag ang pagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga pamilya sa gitna ng nagbabagong kalagayan ng lipunan.

Ayon sa Vatican, layunin ng pagtitipon na “to proceed, in mutual listening, to a synodal discernment on the steps to be taken in order to proclaim the Gospel to families today, in light of Amoris Laetitia and taking into account what is currently being done in the local Churches.”

Iginiit din ng dokumento na ang pagpupulong ay bahagi ng patuloy na pastoral conversion ng Simbahan upang higit na matugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilya sa kasalukuyang panahon.

Binigyang-diin ng General Secretariat of the Synod at ng Dicastery for Laity, Family and Life na hindi lamang tagatanggap ng pangangalaga ng Simbahan ang mga pamilya, kundi pangunahing katuwang din sa misyon ng ebanghelisasyon.

“Families are not merely recipients of the Church’s pastoral care, but active subjects of her mission, through whom the Gospel takes shape in daily relationships, choices, fragility and hope,” dagdag pa ng Vatican.

Nililinaw ng Vatican ang layunin ng pagpupulong na kilalanin ang pagkilos ng Espiritu Santo sa buhay ng mga pamilya at higit pang mapalakas ang kanilang ambag sa misyon ng Simbahan.

“The aim is to discern the direction in which the Holy Spirit is leading us today, so as to recognize, support and foster what He is already accomplishing within families and to appreciate their contribution to the mission of the Church,” ayon pa sa thematic framework ng dalawang tanggapan.

Kinilala rin ng Vatican ang mabilis na pagbabago sa lipunan na nagdudulot ng mga bagong hamon sa buhay-pamilya, kabilang ang kawalang-katiyakan sa kabuhayan at pabahay, karamdaman, pag-aaruga sa matatanda at mga may kapansanan, gayundin ang mga suliraning kinakaharap ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Kabilang din sa mga pangunahing paksa ng pagpupulong ang paghahanda ng mga kabataan sa bokasyon ng pag-aasawa, pagsama sa mga bagong mag-asawa sa kanilang unang mga taon ng pagsasama, pastoral na pag-akay sa mga pamilyang dumaraan sa iba’t ibang pagsubok, at pagpapalakas sa mga pamilyang Kristiyano bilang mga pangunahing katuwang sa misyon ng Simbahan.
Binigyang-diin pa ng Vatican na maging ang mga karanasan ng kabiguan at kahinaan ay maaaring maging daan ng biyaya ng Diyos kung ito ay sasamahan ng pag-unawa at pag-asa.

“Failure, fragility, the gap between the ideal and reality, and the complexity of life situations also become places in which the work of God’s grace may be recognized and where persons can be accompanied with respect, patience and hope.”

Inaasahang magsisilbing mahalagang gabay ang mga bunga ng pagpupulong sa pagpapaigting ng pastoral na pangangalaga sa mga pamilya sa iba’t ibang panig ng mundo, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng Simbahan sa isang synodal na pamamaraan ng pakikinig, paglalakbay at pag-akay sa bawat pamilya.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,984 total reads

 13,984 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,312 total reads

 16,312 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 33,747 total reads

 33,747 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 2,610 total reads

 2,610 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 84,451 total reads

 84,451 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 178,676 total reads

 178,676 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,165 total reads

 239,165 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 252,945 total reads

 252,945 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 33,749 total reads

 33,749 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top