4 na bagong fault zone sa kanlurang bahagi ng Luzon, natuklasan ng UP at Taiwan University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,206 total reads

Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines (UP) at National Central University sa Taiwan ang apat na bagong fault zone sa ilalim ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Luzon na makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga panganib ng lindol at tsunami sa bansa.

Batay sa pag-aaral na inilathala sa Journal of Asian Earth Sciences, ang apat na fault zone ay pinaniniwalaang mga sangay ng Philippine Fault Zone, isa sa mga pangunahing fault system na may kaugnayan sa paggalaw ng lupa at pagyanig sa Pilipinas.

Gamit ang high-resolution seafloor maps at seismic profiles, natukoy ng mga mananaliksik ang mga fault sa ilalim ng dagat sa kanluran ng Luzon, kabilang ang isang fault branch na posibleng direktang nakakonekta sa Manila Trench, isang malalim na trench sa West Philippine Sea sa kanlurang bahagi ng Luzon na maaaring pagmulan ng malalakas na lindol at tsunami.

Natuklasan din sa pag-aaral na nagkakaroon ng tinatawag na slab tearing o pagkakabiyak ng lumulubog na tectonic plate sa ilalim ng Central Luzon, na iniuugnay sa magkasabay na paggalaw ng Palawan Microcontinental Block at Benham Rise.

Ayon sa mga mananaliksik, mahalaga ang pagkakatukoy sa mga bagong fault zone upang higit na mapahusay ang pagtataya sa mga seismic hazard at mapalakas ang paghahanda ng mga pamayanan laban sa posibleng malalakas na lindol at tsunami sa hinaharap.

Patuloy namang ipinapanalangin ng simbahan ang kaligtasan ng bawat pamayanan at ang pagkakaroon ng karunungan upang mapaghandaan at mabawasan ang epekto ng mga kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,612 total reads

 231,612 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,343 total reads

 263,343 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,167 total reads

 365,167 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,730 total reads

 405,730 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,850 total reads

 416,850 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,372 total reads

 143,372 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top