Bantay Senado nanawagan kay VP Sara na personal na dumalo sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,687 total reads

Dismayado ang Bantay Senado sa hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa unang araw ng kanyang impeachment trial sa Senado.

Ayon sa non-partisan citizens’ monitoring network, matagal nang hinihintay ng publiko ang paglilitis kaya’t nararapat lamang na personal na humarap ang Bise Presidente sa proseso at sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi rin ni Prof. Cleve Arguelles-convenor at tagapagsalita ng grupo na maging ang ilang residente ng Barangay Krus na Ligas na dumalo sa kanilang Impeachment TamBayanan community watch party ay nagpahayag ng pagkabigo sa hindi pagharap ng Pangalawang Pangulo sa unang pagdinig.

Ikinagalak naman ng Bantay Senado ang paninindigan ng House prosecution na dapat ibatay ang paglilitis sa mga ebidensya at testimonya ng mga saksi, at hindi lamang sa mga usaping teknikal o procedural.

Binigyang-diin din ng grupo na mahalagang manatiling nakatuon ang impeachment court sa paghahanap ng katotohanan sa pamamagitan ng maayos na pagtalakay sa mga ebidensya at testimonya ng mga testigo.

Muli ring nanawagan ang Bantay Senado para sa isang patas, transparent, at bukas na impeachment trial na mahigpit na nakabatay sa ebidensya.
Hinikayat din nito ang publiko na manatiling mapagmatyag at makiisa sa pagbabantay sa buong proseso upang matiyak ang pananagutan at pagsunod sa Konstitusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,506 total reads

 231,506 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,237 total reads

 263,237 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,061 total reads

 365,061 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,624 total reads

 405,624 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,750 total reads

 416,750 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top