House prosecution, ipinapa-subpoena si Atty. Zuleika Lopez at NBI Director sa Senate impeachment Court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,709 total reads

Hiniling ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na maglabas ng subpoena laban kay Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Vice President Sara Duterte, upang humarap bilang testigo sa impeachment trial.

Ayon sa prosekusyon, mahalaga ang testimonya ni Lopez sa pagpapatibay ng Article IV ng Articles of Impeachment, na tumutukoy sa grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Bukod sa pagbibigay ng testimonya, inaasahan ding makatutulong si Lopez sa pagtukoy at pagpapatunay sa mga dokumento at iba pang ebidensyang ihaharap ng prosekusyon sa impeachment court.

Bukod kay Zuleika, nais ding ipa-subpoena ng prosecution panel National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Inaasahang ilalahad ni Matibag ang resulta ng imbestigasyon ng NBI kaugnay ng mga pahayag ng Bise Presidente, kabilang ang mga ebidensyang nakalap at ang naging batayan ng ahensya sa pagsasagawa ng pormal na imbestigasyon.

Ayon pa sa House prosecutors, makatutulong din ang NBI Director sa pagpapatunay sa mga dokumento at digital evidence na ihaharap sa impeachment court.

Sa pahayag, nais ng prosekusyon na dumalo si Zuleika at Matibag sa mga pagdinig na nakatakda sa July 13, 14, at 15.

Sakaling pahintulutan ng impeachment court ang kahilingan, magiging pangunahing testigo sina Zeleika at Matibag ng House prosecution sa pagtalakay ng Article IV ng Articles of Impeachment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,298 total reads

 231,298 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,029 total reads

 263,029 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,853 total reads

 364,853 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,416 total reads

 405,416 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,553 total reads

 416,553 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top