House Prosecution Panel,naninindigan na matatag ang testimonya ng kanilang unang testigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,461 total reads

Iginiit ng House Prosecution Panel na nanatiling matatag ang testimonya ng unang testigo matapos ang isinagawang cross-examination sa ikatlong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Prosecution Panel adviser at spokesperson Robert Ace Barbers, hindi natinag ang pahayag ng National Bureau of Investigation o NBI Senior Agent John Mark Calilung, na pangunahing testigo ng prosekusyon kaugnay ng Article IV ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa grave threats ng Bise Presidente.

“Isa pang pruweba na siya ay nagsasabi ng katotohanan because he was very consistent with all his statements from the beginning and even during the cross-examination, nakita natin na he was firm,” ayon kay Barbers.

Samantala, sinabi naman ni House prosecutor Rep. Ysabel Maria Zamora na sapat na nasagot ni Calilung ang lahat ng tanong ng depensa at maging ng mga senator-judges kaya’t hindi na kinailangan pang magsagawa ng redirect examination ang prosekusyon.

“We heard the questions propounded by the defense to John Mark Calilung which we believe were sufficiently answered by John Mark Calilung,” ayon kay Zamora.

Dagdag pa ng kongresista, “That’s why our prosecution decided or we decided not to conduct any redirect examination anymore.”

Sa pagdinig noong Miyerkules, Isinailallim sa cross examination si Senior Agent John Mark Calilung ng National Bureau of Investigation cyber crime commission ni Defense counsel Carlo Narvasa.

Si Calilung ang nagpatunay sa ‘authenticity’ ng video ng online media briefing ni Vice President Duterte noong Nobyembre 23, 2024, kung saan binigkas ang mga kontrobersyal na pahayag ng pagbabanta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; First-lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Kabilang sa tinalakay sa cross examination ang mga bahagi ng video message ni VP Duterte mula sa parehong press conference, kabilang ang bahagi ng video ni Atty. Zuleika Lopez ang chief of staff ng pangalawang pangulo, nang ito ay nasa House detention facility matapos i-contempt ng House QuadComm.

Habang kinuwestyon naman ni counsel for prosecutor Virgil Ligutan, ang mga tanong ng depensa na aniya’y nasagot na at napatunayan ng testigo ang ‘authenticity’ at kung ano ang patutunguhan ng kaniyang mga katanungan na may kaugnayan sa usapin ng grave threat at inciting to sedition na bahagi ng article IV ng articles of impeachment.

Mga susunod na testigo

Alas singko ng Miyerkules ng hapon nang mag-adjourn ang Senate Impeachment Court, makaraan na ring hilingin ng prosecution panel na ipagpaliban ang pagdalo ng ikalawang testigo.

Ayon kay Senate Presiding Officer Francis Escudero, itutuloy ang paglilitis partikular sa pagtalakay pa rin sa Article IV ng Articles of Impeachment o grave threats na isinampa laban kay Duterte sa Lunes, ikadalawa ng hapon.

Binanggit naman ni Prosecutor Rep. Lorenz Defensor, ihaharap ng prosecution panel sa Lunes si Atty. Jeremy Lotoc ng National Bureau of Investigation; Martes July 14, si Atty. Zuleika Lopez- chief of Staff ni Vice President Sara Duterte.

At sa July 15, si Captain Belinda Bello ng Legislative Security Bureau Executive Director ng House of Representatives, Office Office of Sgt.-at-Arms.

16-vote threshold

Samantala, sa isinagawang press conference bago ang paglilitis, Iginiit ng House prosecution panel na ang pangunahing prayoridad ay ang patunayan ang Articles of Impeachment laban sa bise presidente sa pamamagitan ng matitibay na ebidensya.

Ayon kay House prosecution legal spokesperson Atty. Jay Tolosa, ito ay makaraang sabihin ni Presiding Officer Escudero ang 16-vote threshold na kailangan upang mahatulang nagkasala ang Bise Presidente.

“Again, our priority is to continue to present evidence before the impeachment court,” ayon kay Tolosa.

Binigyan diin ni Tolosa, nakatuon ng prosekusyon na makabuo ng matibay at sapat na kaso na suportado ng mga testigo at ebidensya upang makamit ang kinakailangang bilang ng boto sa impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,209 total reads

 233,209 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,940 total reads

 264,940 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,764 total reads

 366,764 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,327 total reads

 407,327 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,361 total reads

 418,361 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top