LGU, may kapangyarihang hindi magbigay ng mining endorsement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,910 total reads

Iginiit ni Bayay Sibuyanon chairperson Rodne Galicha na may ganap na kapangyarihan ang Sangguniang Bayan ng San Fernando, Romblon na tanggihan ang kahilingan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa municipal endorsement kung hindi nito matutugunan ang mga umiiral na lokal na polisiya, batas pangkalikasan at geohazard frameworks.

Ito ang binigyang-diin ni Galicha matapos siyang dumalo bilang resource person sa Committee of the Whole hearing ng Sangguniang Bayan na tumalakay sa kahilingan ng APMC para sa kinakailangang pag-endorso ng lokal na pamahalaan sa planong pagmimina sa bayan.

Aniya, malinaw sa desisyon ng Korte Suprema na may awtoridad ang mga local government unit na suriin ang bawat mining application at hindi obligadong magbigay ng endorsement kung hindi natutugunan ng proyekto ang mga lokal na polisiya at iba pang lehitimong konsiderasyon.

“The High Court clarified that local government units have the independent authority to evaluate each individual mining application, express their concerns or objections thereto, and withhold their approval if these concerns are not addressed,” pahayag ni Galicha.

Binigyang-diin din ni Galicha na ang posibleng pagtanggi ng Sangguniang Bayan ay hindi maituturing na ‘grave abuse of discretion’ dahil nakabatay ito sa mahigit dalawang dekadang magkakasunod na mga resolusyon ng pamahalaang bayan at mga barangay, gayundin sa 2022 Comprehensive Land Use Plan ng San Fernando na nagpapakita ng matatag na pagtutol sa pagmimina sa isla.

Dagdag pa nito, hindi dapat hadlangan ng banta ng posibleng demanda ang malayang pagpapasya ng mga halal na opisyal habang nagpapatuloy pa lamang ang kanilang pagtalakay sa usapin.

“The burden lies entirely on the mining corporation to prove that its project satisfies the town’s zoning mandates, environmental laws, and geohazard frameworks,” ayon kay Galicha.

Iginiit pa ni Galicha na sakaling magpasya ang Sangguniang Bayan na hindi iendorso ang proyekto bilang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan, ito ay ganap na naaayon sa kapangyarihang ipinagkaloob sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Government Code, habang nasa kumpanya ang pagpapasya kung hahamunin nito sa hukuman ang magiging desisyon ng konseho.

Nanawagan si Galicha sa mamamayan ng Sibuyan na patuloy na suportahan ang kanilang mga lokal na lider sa pagtatanggol sa kalikasan at igalang ang demokratikong proseso sa pagdedesisyon hinggil sa mga proyektong may malaking epekto sa komunidad.

Kaakibat nito ang patuloy na paalala ng Simbahan, lalo na sa diwa ng Laudato Si’, na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang pananagutang moral at pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos, sa kapwa, at sa mga susunod na henerasyon.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,918 total reads

 15,918 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,434 total reads

 5,434 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,076 total reads

 87,076 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,301 total reads

 181,301 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,791 total reads

 241,791 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,423 total reads

 255,423 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,889 total reads

 69,889 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top