Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,820 total views

Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa.

Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang panawagan ng pananagutan nang mabunyag ang multi-bilyong pisong pandarambong sa flood control projects ng pamahalaan. Umalma na ang taumbayan sa tila naging kultura ng korapsyon., na mismong mga opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kapanalig, kung accountability ang pag-uusapan, paano naman sa larangan ng social media? Sino ang dapat managot sa paglaganap ng fake news? Sino ang dapat managot sa iba’t-ibang suliranin na dulot ng social media?

Kamakailan, naglabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng “Isang Pahayag Ukol sa Moral at Panlipunang Krisis Dahil sa Online Gambling”

Ipinahayag ng CBCP sa liham pastoral ang pagkabahala sa tila may bagong salot o virus na sumisira sa mga indibidwal at pamilya, at sa lipunan. Ito ay tahimik na kumakalat at nagdudulot ng malawakang pagkaalipin. Ang salot na ito ay ang pagkasugapa sa online gambling o sugal sa internet. Akala natin nakaligtas na tayo sa POGO at E-Sabong, at hindi maipagkakaila ang malalang epekto ng mga ito na hanggang ngayon ay ating dinaranas. Pero narito ang bagong mukha ng pagsusugal. Hindi natin namamalayan, talamak na ito, at marami, kasama na ang mga kabataan, ang nagiging adik sa online gambling.

Iginiit ng CBCP ang ebanghelyo ni San Lukas (Lukas 4:18-18) na misyon ng panginoong Hesus na magdala ng mabuting balita sa mga dukha, magpalaya sa mga bihag, at magpagaling sa mga sugatan.
Sa kabila ng panawagan, walang naipasarang online app., wala ding naparusahan sa iligal na pasugalan online na sumira sa maraming pamilyang Pilipino., sumira sa kinabukasan ng maraming kabataang Pilipino., naging dahilan ng krimen.,naging nahilan ng suicide.

Walang naging solusyon sa problema Kapanalig, ilang buwan ang lumipas, nabalot nang takot, pagkabahala at pangamba ang sambayanang Pilipino sa sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad lalo ang trahedya na dulot ng pamamaril sa San Jose National High school sa Tacloban city na ikinasawi ng 3-estudyante at pagkasugat ng 20-iba pa. Ang itinuturong dahilan sa trahedya., ang pagkakahumaling at walang restriction sa access ng mga kabataan sa iba’t-ibang social media flatforms. Nabuhay na naman ang mga panawagan na higpitan ang access ng mga kabataan sa social media., tuluyan nang i-ban ang mga menor de edad sa paggamit ng anumang social media platform. Walang nangahas na gumawa ng paraan upang tugunan ang ugat ng suliranin. Mayroong tumugon, ang Department of Education., ang hilaw na solusyon: pagsasagawa ng “active shooter” drills sa iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas. Matatawag ba itong solusyon?

Kapanalig, sa free for all na problemang dulot ng social media.,tulad ng cyberbullying, addiction,exposure sa mga predator, mental health issues, krimen….kailangan dito ay drastic na pagtugon. Total ban sa minors online!

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal na sa halos 20-bansa ang “ban” sa mga batang may edad na 16-taong gulang pababa na gumamit ng social media. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kabataan ang paggamit ng Facebook, Instagram, Snapchat, Threads, TikTok, X, YouTube, Reddit, Twitch at Kick. Bukod sa ban, ipinatutupad din ang pananagutan o accountability sa mga social media platforms.

Iniisip din ba ito ng mga magagaling na lider ng ating bansa? Ano ang papanigan ng gobyerno? Ang kita o kinabukasan?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,821 total views

 8,821 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,932 total views

 78,932 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,546 total views

 153,546 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,625 total views

 233,625 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,636 total views

 276,636 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,933 total views

 78,933 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,547 total views

 153,547 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,626 total views

 233,626 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,637 total views

 276,637 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top