Pagkapanalong Best AM Radio program ng Healing Mass sa Veritas, ini-alay sa mananampalatayang naghahanap ng pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,736 total reads

Inialay ni Radio Veritas President Rev. Fr. Roy Bellen ang pagkapanalo ng Best AM Radio Program ng Healing Mass sa Veritas sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards 2026 sa lahat ng mga Kapanalig, sa Simbahang Katolika, at sa mga mananampalatayang naghahanap ng pag-asa.

Sa panayam ng FAMAS, ipinahayag ni Fr. Bellen ang kanyang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa mga tagapakinig na patuloy na sumusuporta sa misyon ng Radio Veritas bilang himpilan ng katotohanan at pag-asa.

“Of course, ito po ay para po sa lahat po ng ating mga Kapanalig, sa ating mga kasama Simbahan, sa Roman Catholic Church, and of course to everyone, the faithful, those who long for hope.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen.

Ayon sa Pari, mahalaga ang papel ng Radio Veritas sa panahon ng pagkalito at pangamba ng maraming tao, lalo na sa gitna ng mga hamon sa lipunan kung saan minsan ay mahirap malaman kung ano ang paniniwalaan.

“Sa kabila po ng medyo minsan magulo, malungkot, we don’t know what to do and who to believe. We know there’s still one station po that we really do our best to proclaim the truth, kaya po Radyo Veritas.” Dagdag ni Fr. Bellen.

Ang Healing Mass sa Veritas ay kinilala bilang Best AM Radio Program sa unang FAMAS Broadcast Arts Awards, isang pagkilala sa patuloy nitong paghahatid ng espiritwal na gabay, panalangin, at pag-asa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng radyo.

Para kay Fr. Bellen, ang parangal ay hindi lamang tagumpay ng himpilan kundi tagumpay rin ng buong sambayanang mananampalataya na patuloy na nakikiisa sa misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng katotohanan at pag-ibig ng Diyos.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,757 total reads

 6,757 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,555 total reads

 60,555 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,920 total reads

 145,920 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,657 total reads

 192,657 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,528 total reads

 240,528 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,490 total reads

 341,490 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top