Cardinal Advincula, nagpaabot ng pagbati sa Radyo Veritas 846

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,515 total reads

Nagpaabot ng pagbati si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Chairman of the Board ng Radio Veritas Global Broadcasting Inc., sa parangal na tinanggap ng himpilan ng Radyo Veritas mula sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards 2026 para sa programa nitong Healing Mass sa Veritas na kinilala bilang Best AM Radio Program.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Cardinal ang kanyang pagbati sa pamunuan ng Radyo Veritas sa pangunguna ni Rev. Fr. Roy Bellen na pangulo ng himpilan at sa lahat ng bumubuo sa programa.

“Congratulations to Radyo Veritas, Fr. Roy company for receiving this award from FAMAS,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ng Cardinal ang lahat ng kawani ng Radyo Veritas na ipagpatuloy ang paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita, lalo na sa mga Kapanalig na patuloy na umaasa sa himpilan para sa espiritwal na gabay at pag-asa.

“And I would like to ask the ones involve this award, the Radyo Veritas, to continue working specially to be able to broadcast the Gospel message especially to our Kapanalig. Maraming salamat po,” Dagdag pa ng Cardinal Advincula.

Ang Healing Mass sa Veritas ay kinilala bilang Best AM Radio Program sa unang FAMAS Broadcast Arts Awards, isang pagkilala sa mahalagang papel ng programa sa paghahatid ng panalangin, pag-asa, at mensahe ng Ebanghelyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng radyo.

Inaanyayahan naman ng pamunuan ng himpilan ang mga tagasubaybay ng Radyo Veritas na personal na makiisa sa Healing Mass sa Veritas sa Radio Veritas Chapel na ginaganap araw-araw tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Para sa pamunuan ng Radyo Veritas, ang parangal ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang misyon ng himpilan sa pagiging tinig ng Simbahan at tagapaghatid ng katotohanan sa sambayanang Pilipino.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,706 total reads

 6,706 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,507 total reads

 60,507 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,872 total reads

 145,872 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,609 total reads

 192,609 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,480 total reads

 240,480 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,442 total reads

 341,442 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top