AI, gamitin bilang katuwang tao at hindi para palitan ang tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,176 total reads

Binigyang-diin ni Rev. Fr. Norman Melchor R. Peña, SSP na bagama’t malaki ang maitutulong ng Artificial Intelligence (AI) sa makabagong lipunan at sa misyon ng Simbahan, nararapat itong gamitin bilang katuwang ng tao at hindi bilang kapalit ng pagkatao.

Ito ang naging diin ng Pari na siya ring Director and Dean of Studies ng St. Paul Seminary Foundation sa naganap na panel discussion na may temang “Love One Another: Conversion of Relationships and the Civilization of Love in the Digital Age” sa ikalawang araw ng ika-12 Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII).

Ayon kay Fr. Peña, hindi maikakailang napakalaki na ng impluwensya ng AI sa halos lahat ng aspeto ng buhay, subalit nananatiling mahalaga ang pagtingin sa kalagayan ng mga pamayanang nananatiling simple ang pamumuhay.

Partikular na ibinahagi ng Pari ang kanyang pakikipagtalakayan sa isang lalaking mula sa Batangas na nagsabing hindi gaanong ramdam ang epekto ng AI sa kanilang lugar dahil nananatili ang payak na pamumuhay, bagay na aniya’y nagpapaalala na iba-iba ang epekto ng teknolohiya depende sa konteksto ng bawat komunidad.

“AI has such grown in such an impact na talagang it will have an effect on everything… Pero doon sa mga provinces, yung simple life, yun sana yun,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Peña.
Inamin din ni Fr. Peña na may kaakibat na panganib ang AI, ngunit iginiit ng Pari na hindi dapat doon lamang nakatuon ang pagtingin ng Simbahan.

Ipinaalala rin ni Fr. Peña na sa pag-usbong ng iba pang makabagong midya tulad ng print, radyo at telebisyon ay nagkaroon din ng mga pangamba, ngunit kalaunan ay nakita rin ng lahat ang kabutihang maidudulot ng mga ito sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

“Yes, we can speak of dangers, talagang mayroon, pero we should not only focus on the dangers, but likewise, things that can help people to grow because of those instruments,” Ayon kay Fr. Peña.

Tinalakay rin ni Fr. Peña ang usapin ng paggamit sa AI para sa “kabutihan” at iginiit na mahalagang malinaw kung ano ang tunay na kahulugan ng “good.”

Sinabi rin ng Pari na hindi sapat na sabihing ginagamit ang AI “para sa kabutihan” kung hindi rin malinaw ang batayan ng kabutihang tinutukoy.

Kasabay nito, hinamon ni Fr. Peña ang mga delegado ng PCNE XII na baguhin ang kanilang pananaw sa AI.

Sa halip na itanong kung ano ang maitutulong ng AI sa tao, iminungkahi niyang itanong kung paano magagamit ng tao ang AI upang manatili itong nakatuon sa tunay nitong layunin.

“What good can AI do to us? Ang tanong ko naman, what good can we do to the AI so that it will focus on what it is supposed to be?” Dagdag pa ni ni Fr. Peña.

Ibinahagi rin ni Fr. Peña ang konsepto ng “katwang,” isang salitang Tagalog na nangangahulugang katuwang o partner.

Ayon sa Pari, maaaring magsilbing “katawang tao” ang AI sa ilang gawain bilang extension ng kakayahan ng tao, ngunit higit sa lahat, nararapat itong manatiling “katwang ng tao” at hindi maging kapalit ng tao.

“Yung AI nagkakatawang tao. Our use of AI might be like that. We use it in everything na talaga. Other than. We use it in everything. So our AI can be katawang tao para sa atin. Another me. Another me nagagawa nito. Pero I always believe, it is, yes, it can be true, but it’s not the only thing that is true. That our AI use should actually be not only katawang tao, pero katawang tao, pero katawang ng tao, supposed to be. Our partner” Paliwanag ni Fr. Peña.

Iginiit din ng Pari na hindi dapat puro usaping etikal lamang ang maging sentro ng pagtalakay sa AI.

Aniya, higit na mahalagang unahin ang tanong kung paano nito matutulungan ang tao na maging higit na makatao.

“It should never be thought of in ethical terms only… It should focus on our own reality. How it makes me more human. Being human dapat ang centre,” Ani Fr. Peña.

Sa pagtatapos ng kanyang pagbabahagi, sinabi ni Fr. Peña na mahalagang malinaw muna sa bawat tao ang kanyang pagkakakilanlan bilang Kristiyano bago pag-usapan ang wastong paggamit ng AI.

Ayon kay Fr. Peña, kapag malinaw ang pagkakakilanlan ng tao bilang nilikha ng Diyos at tagasunod ni Kristo, magiging mas madali ring gamitin ang AI sa paraang naglilingkod sa tao, sa Simbahan, at sa kabutihang panlahat.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,715 total reads

 6,715 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,516 total reads

 60,516 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,881 total reads

 145,881 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,618 total reads

 192,618 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,489 total reads

 240,489 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,451 total reads

 341,451 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top