Bumubuo ng PCNE XII, nagpapasalamat sa mga nakiisa at nakibahagi sa taunang pagtitipon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,783 total reads

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Executive Director ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na si Rev. Fr. Jason Laguerta sa libu-libong delegado, mga katuwang na organisasyon, boluntaryo, at mga institusyong naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng ika-12 Philippine Conference on New Evangelization.

Sa kanyang closing message sa banal na misa bilang pagtatapos ng ikalawang araw ng PCNE XII, kinilala ni Fr. Laguerta ang University of Santo Tomas (UST) sa patuloy nitong pagbubukas ng mga pintuan para sa taunang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“Pinasasalamatan namin ang University of Santo Tomas for always welcoming us into your home, which has also become our home for the Philippine Conference on New Evangelization,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Laguerta.

Binigyang-pugay rin ng Pari ang mga delegado mula sa Ministry with Persons with Disabilities (PWDs) bilang tanda ng patuloy na pagsusulong ng isang Simbahang tunay na bukas at inklusibo para sa lahat.

Bukod dito, nagbigay din si Fr. Laguerta ng espesyal na pagkilala sa mga Mangyan catechists mula sa mga pamayanang katutubo sa Mindoro na nakibahagi sa kumperensya bilang patunay na ang misyon ng Simbahan ay umaabot maging sa mga pamayanang nasa laylayan.

“We are deeply grateful to all of you. We would like to give a special mention to our delegates from the Ministry with Persons with Disabilities (PWDs). Let us give them a warm round of applause. We would also like to recognize a very special group that joined us for PCNE XII—our catechists from the Indigenous Peoples communities of Mindoro, our Mangyan catechists. Let us also give them a round of applause.” Dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Ikinatuwa rin ni Fr. Laguerta ang pagdalo ng mga international delegates mula sa Canada, Estados Unidos, Australia, iba’t ibang bansa sa Asya, Africa, at South America, na ayon sa Pari ay nagpapakita na ang PCNE ay hindi na lamang pambansang pagtitipon kundi isa nang pandaigdigang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“PCNE is not only a national gathering; it is also an international gathering of the Church. Thank you very much for coming to the Philippines,” Ayon pa kay Fr. Laguerta.
Naniniwala ang Pari na ipinakikita ng malawak na partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng Simbahan at ng pandaigdigang komunidad ang patuloy na pagsasabuhay ng diwa ng sinodalidad at ng panawagan ni Hesus na sama-samang maging mga kaibigan at misyonero ng Mabuting Balita.

Pagbabahagi ni Fr. Laguerta sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga obispo, pari, relihiyoso, layko, kabataan, mga katutubo, persons with disabilities, at mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, ay higit na napalalakas ang misyon ng Simbahan na maipahayag ang Ebanghelyo sa makabagong panahon.

Nagbigay rin ng pagkilala ang Pari sa iba’t ibang mission partners, simbahan, congregations, lay organizations, educational institutions, media partners, sponsors at benefactors na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng kumperensya.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Fr. Laguerta ang Couples for Christ Global Mission Foundation, Couples for Christ ANCOP, Order of Friars Minor (OFM), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Missionary Servants of the Blessed Sacrament, Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Association of Catholic Universities of the Philippines (ACUP), Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila, JesCom, Society of St. Paul, Sisters of St. Paul of Chartres, TV Maria, Archdiocese of Manila Office for Communications (RCAM-AOC), Radio Veritas, iba pang media partners, The Feast, iba’t ibang tanggapan ng ARCOM, exhibitors, volunteers, mga seminarista, at mga komisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,825 total reads

 8,825 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,498 total reads

 63,498 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,863 total reads

 148,863 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,600 total reads

 195,600 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,472 total reads

 243,472 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,303 total reads

 344,303 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top