Mabuting politika, sagot sa masamang politika-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,407 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi dapat hintayin ang 2028 bago magsimula ang paghahanda para sa susunod na pambansang halalan.

Sa pahayag ng Obispo sa kanyang Facebook page na may titulong ‘THE ANSWER TO BAD POLITICS IS GOOD POLITICS’, sinabi ni Cardinal David na lalong dumarami ang mga Pilipinong nagtatanong, “Anyare sa atin?” habang nasasaksihan ang pagkadismaya sa kalagayan ng politika sa bansa at ang tila pagkaiwan ng Pilipinas sa ilang karatig-bansa sa rehiyon.

Ayon sa Cardinal, kailangang simulan na ngayon ang paghubog ng mga bagong lider at pagbuo ng mga alternatibong pampolitikang programa sa mga komunidad, lokal na pamahalaan, kilusan at tunay na mga partidong pampolitika.

Mahalaga rin ayon kay Cardinal David ang seryosong pakikinig sa mga mahihirap, pag-unawa sa bagong mundong pampolitika na nililikha ng social media, at pagbibigay sa mga Pilipino ng “real alternatives worth voting for.”

“The road to 2028 should not begin in 2028. And it cannot be only about finding the right presidential candidate at the last minute. It must begin now—in communities, local governments, movements and genuine political parties; in forming new leaders and new schools of political thought; in listening seriously to the poor instead of lecturing them; in understanding the new political world created by social media; and above all, in giving Filipinos real alternatives worth voting for.”
Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Hinamon din ng Cardinal ang mga Pilipinong nangangarap ng mas mabuting bansa na huwag ituring ang politika bilang lugar na dapat iwasan, kundi bilang larangang maaaring higit na nangangailangan ng kanilang pakikilahok.

“Perhaps, for some of you, it is precisely where your country needs you most,” Ani Cardinal David.

Ayon sa Cardinal hindi sapat ang voter education at election monitoring tuwing halalan kung kakaunti naman ang tunay na mapagpipiliang lider at programang inihaharap sa mga mamamayan.
Bilang tugon nanawagan si Cardinal David ng mas malalim na paghubog sa mga lider, pagtatatag ng tunay na mga partidong pampolitika, pagbuo ng mga alternatibong programang pampamahalaan, at paghikayat sa mabubuting tao na ituring ang politika bilang isang bokasyon.

“Maybe it is time to go beyond simply educating voters. We also have to start forming leaders, building genuine political parties, developing alternative political programs, and encouraging good people to consider politics itself as a vocation.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Hinimok din ni Cardinal David ang mga Pilipino na huwag tuluyang talikuran ang politika dahil lamang sa pagkadismaya sa mga umiiral na sistema at liderato sa kasalukuyang panahon.

Iginiit ng Cardinal na ang sagot sa “masamang politika” ay ang pagsusulong ng “mabuting politika” na nakatuon sa kabutihang panlahat o sa common good.

“We have come to speak of politics almost as if it were essentially dirty, politicians essentially dishonest, and elections merely a matter of choosing the lesser evil,” Ayon pa kay Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na hindi likas na masama ang politika, kundi ang korapsyon ng politika.

Aniya, ang politika, kapag tunay na nakatuon sa kabutihang panlahat, ay maaaring maging isang marangal na paraan ng paglilingkod sa kapwa.

Partikular na tinukoy ni Cardinal David ang madalas na paalala ni Pope Francis na ang politika na nakatuon sa common good ay kabilang sa pinakamataas na pagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa.

Paliwanag ng Cardinal sa pananaw ng Catholic social teaching, mahalaga ang politika dahil nakasalalay dito kung paano pinangangalagaan ang dignidad ng tao, tinutulungan ang mga mahihirap, lumilikha ng oportunidad, makatarungang naipamamahagi ang yaman, napoprotektahan ang kalikasan, at naitataguyod ang kapayapaan.

“Pope Francis often reminded us that politics, when truly directed toward the common good, is one of the highest expressions of charity. Catholic social teaching does not regard politics as something beneath good people. On the contrary, politics can be a noble calling precisely because it concerns the organization of our common life: how we protect human dignity, care for the poor, create opportunities, distribute resources justly, protect creation, and build peace. The problem, therefore, is not politics. It is the corruption of politics.” Ani Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 14,403 total reads

 14,403 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 51,551 total reads

 51,551 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 105,385 total reads

 105,385 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 168,379 total reads

 168,379 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 236,146 total reads

 236,146 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 946 total reads

 946 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top