Bishop Galbines, malugod na tinanggap ng 4-na Negros Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,910 total reads

Malugod na tinanggap ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pagkakatalaga kay Bishop Louie Galbines bilang bagong obispo ng Diocese of Bacolod.

Sa kanyang mensaheng “A Church Journeying Together: Welcome Home, Bishop Louie!”, sinabi ni Bishop Alminaza na mahalaga ang pamumuno ni Bishop Galbines sa pagsusulong ng isang mas synodal na Simbahan sa Bacolod, na nakatuon sa pakikinig, pagkilatis, pakikilahok at misyon.

Ayon kay Bishop Alminaza, nagbabalik si Bishop Galbines sa Simbahang tumulong humubog sa kanyang bokasyon, dala ang malalim na espirituwalidad, pusong marunong makinig at kumilatis, na palakasin ang pagkakapatiran ng mga pari at pakikipagkaisa sa buong sambayanan ng Panginoon.

“He now receives a rich inheritance from the six bishops who preceded him, each of whom served the Church of Bacolod according to the needs of his time. This legacy is inseparable from the story of Negros itself—a land of deep faith and abundant gifts, but also a land marked by poverty and inequality, struggles for land and dignified work, care for our common home, and the continuing cry for justice and peace. The Church in Negros has repeatedly been called to stand close to the poor and to accompany our people in both their suffering and their hope,” ayon sa mensaheng binahagi ni Bishop Alminaza.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang bagong pamunuan ng Diocese of Bacolod na ipagpatuloy ang misyon ng Simbahan na maging malapit sa mga mahihirap at makiisa sa mga pangunahing hamon sa Negros, kabilang ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay, usapin sa lupa at marangal na trabaho, pangangalaga sa kalikasan, at pagsusulong ng katarungan at kapayapaan.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Alminaza para sa higit na pagkakaisa at pagtutulungan ng apat na diyosesis sa Negros—Bacolod, San Carlos, Kabankalan at Dumaguete—upang sama-samang makinig, kumilatis at tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa buong isla.

Binigyang-diin ng obispo na magkakaugnay ang mga saya at sugat ng mga taga-Negros kaya dapat ding maging magkatuwang ang misyon ng Simbahan, tungo sa isang mas synodal, missionary, malapit sa mahihirap at matatag sa pag-asa na Simbahan sa rehiyon.

Lubos din ang pasasalamat ni Bishop Alminaza sa mabuting paglilingkod ni Bishop Patricio Buzon, SDB, sa Simbahan ng Bacolod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 109,742 total reads

 109,742 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 143,072 total reads

 143,072 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 175,216 total reads

 175,216 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 241,278 total reads

 241,278 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 253,495 total reads

 253,495 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top