Mabuting politika, sagot sa masamang politika-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,861 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi dapat hintayin ang 2028 bago magsimula ang paghahanda para sa susunod na pambansang halalan.

Sa pahayag ng Obispo sa kanyang Facebook page na may titulong ‘THE ANSWER TO BAD POLITICS IS GOOD POLITICS’, sinabi ni Cardinal David na lalong dumarami ang mga Pilipinong nagtatanong, “Anyare sa atin?” habang nasasaksihan ang pagkadismaya sa kalagayan ng politika sa bansa at ang tila pagkaiwan ng Pilipinas sa ilang karatig-bansa sa rehiyon.

Ayon sa Cardinal, kailangang simulan na ngayon ang paghubog ng mga bagong lider at pagbuo ng mga alternatibong pampolitikang programa sa mga komunidad, lokal na pamahalaan, kilusan at tunay na mga partidong pampolitika.

Mahalaga rin ayon kay Cardinal David ang seryosong pakikinig sa mga mahihirap, pag-unawa sa bagong mundong pampolitika na nililikha ng social media, at pagbibigay sa mga Pilipino ng “real alternatives worth voting for.”

“The road to 2028 should not begin in 2028. And it cannot be only about finding the right presidential candidate at the last minute. It must begin now—in communities, local governments, movements and genuine political parties; in forming new leaders and new schools of political thought; in listening seriously to the poor instead of lecturing them; in understanding the new political world created by social media; and above all, in giving Filipinos real alternatives worth voting for.”
Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Hinamon din ng Cardinal ang mga Pilipinong nangangarap ng mas mabuting bansa na huwag ituring ang politika bilang lugar na dapat iwasan, kundi bilang larangang maaaring higit na nangangailangan ng kanilang pakikilahok.

“Perhaps, for some of you, it is precisely where your country needs you most,” Ani Cardinal David.

Ayon sa Cardinal hindi sapat ang voter education at election monitoring tuwing halalan kung kakaunti naman ang tunay na mapagpipiliang lider at programang inihaharap sa mga mamamayan.
Bilang tugon nanawagan si Cardinal David ng mas malalim na paghubog sa mga lider, pagtatatag ng tunay na mga partidong pampolitika, pagbuo ng mga alternatibong programang pampamahalaan, at paghikayat sa mabubuting tao na ituring ang politika bilang isang bokasyon.

“Maybe it is time to go beyond simply educating voters. We also have to start forming leaders, building genuine political parties, developing alternative political programs, and encouraging good people to consider politics itself as a vocation.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Hinimok din ni Cardinal David ang mga Pilipino na huwag tuluyang talikuran ang politika dahil lamang sa pagkadismaya sa mga umiiral na sistema at liderato sa kasalukuyang panahon.

Iginiit ng Cardinal na ang sagot sa “masamang politika” ay ang pagsusulong ng “mabuting politika” na nakatuon sa kabutihang panlahat o sa common good.

“We have come to speak of politics almost as if it were essentially dirty, politicians essentially dishonest, and elections merely a matter of choosing the lesser evil,” Ayon pa kay Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na hindi likas na masama ang politika, kundi ang korapsyon ng politika.

Aniya, ang politika, kapag tunay na nakatuon sa kabutihang panlahat, ay maaaring maging isang marangal na paraan ng paglilingkod sa kapwa.

Partikular na tinukoy ni Cardinal David ang madalas na paalala ni Pope Francis na ang politika na nakatuon sa common good ay kabilang sa pinakamataas na pagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa.

Paliwanag ng Cardinal sa pananaw ng Catholic social teaching, mahalaga ang politika dahil nakasalalay dito kung paano pinangangalagaan ang dignidad ng tao, tinutulungan ang mga mahihirap, lumilikha ng oportunidad, makatarungang naipamamahagi ang yaman, napoprotektahan ang kalikasan, at naitataguyod ang kapayapaan.

“Pope Francis often reminded us that politics, when truly directed toward the common good, is one of the highest expressions of charity. Catholic social teaching does not regard politics as something beneath good people. On the contrary, politics can be a noble calling precisely because it concerns the organization of our common life: how we protect human dignity, care for the poor, create opportunities, distribute resources justly, protect creation, and build peace. The problem, therefore, is not politics. It is the corruption of politics.” Ani Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 26,393 total reads

 26,393 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 74,430 total reads

 74,430 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 175,696 total reads

 175,696 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 245,872 total reads

 245,872 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 330,881 total reads

 330,881 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top