DOLE, hinimok na ayusin ang “legal loophole” sa suspension ng wage order

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,274 total reads

Nanawagan ang kinatawan ng labor sector sa Department of Labor and Employment na tugunan ang legal na basehan na hadlang sa pagpapatupad ng wage order na 85-pisong minimum wage increase sa mga manggagawa National Capital Region.

Iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP Partylist na hindi sapat ang bagong Administrative Order No. 264 ng DOLE na nakatuon sa pagpapatupad, pagmamanman at enforcement ng mga wage order dahil ang kailangan ng mga manggagawa ay totoong wage hike.

Sinabi ng TUCP na dapat kilalanin ni DOLE secretary Francis Tolentino na “supervening event” ang pagkaantala ng implementasyon ng wage order.

Hinimok naman ng NAGKAISA labor coalition ang DOLE at Office of the Solicitor General na aktibong ipaglaban at ipawalang bisa na ang temporary restraining order o TRO na kasalukuyang pumipigil sa pagpapatupad ng NCR Wage Order No.27.

Binigyang-diin ng NAGKAISA na bawat araw na naaantala ang wage hike ay may direktang epekto sa kita ng mga manggagawa.

Nanawagan din ang NAGKAISA na lutasin ang “legal loophole” na nagpapahintulot sa mga employer na dalhin sa korte ang mga wage order at humingi ng injunction, na maaaring magresulta sa matagal na pagkaantala sa pagpapatupad nito.

Iginiit ng mga labor organization na hindi dapat mauwi sa simpleng pagmamanman at pagpapatupad ng wage orders ang polisiya ng pamahalaan, lalo na sa harap ng tinatawag nilang wage crisis.

Nakasaad naman sa mga katuruan ng ensiklikal na Rerum Novaarum at Laborem Excercens nina Pope Leo XIII at Saint John Paul II na dapat ipatupad ng pamahalaan ang makatarungang antas ng suweldo sa mga manggagawang nakabatay sa kanilang pinaghirapan at lagay ng ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,380 total reads

 26,380 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,695 total reads

 70,695 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,253 total reads

 108,253 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,132 total reads

 215,132 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,693 total reads

 258,693 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top