SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,350 total reads

Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda sa Nobyembre.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas, inihayag ni Miguel Angelo Basuel, National Director ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagpaliban ng Kongreso ang barangay at SK elections, matapos ang kaparehong postponement noong 2023.

Aniya, mahalagang mapanatili ang karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga lider na tunay na kumakatawan sa kanilang pangangailangan, lalo na sa pinakamababang antas ng pamahalaan.

“The public has the right to exercise their suffrage and choose a leadership which is aligned to their interests, na ayon sa kanilang pangangailangan at interes lalo na sa pinakabatayang level ng gobyerno,” Bahagi ng pahayag ni Basuel sa Radyo Veritas.

Giit ni Basuel, hindi dapat maging dahilan ang sinasabing krisis pang-ekonomiya upang ipagpaliban ang halalang pambarangay, lalo na kung may nakalaan ng pondo para rito sa 2026 General Appropriations Act.

“There is no reason to misalign these funds para sa ibang mga pampublikong serbisyo,” Paliwanag ni Basuel.

Iginiit nito na maaaring tugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa public services nang hindi isinasakripisyo ang karapatang bumoto ng mamamayang Pilipino.

Para kay Basuel, hindi dapat gawing “collateral damage” ang mga mamamayan dahil sa mga hamon sa pagpapatupad ng mandato ng pamahalaan.

Pwede naman na magkaroon ng nararapat na public services, pwede naman na magkaroon ng eleksyon sa darating na Nobyembre,” Dagdag pa ni Basuel.

Kasabay nito, binigyang-diin din ni Basuel ang mga problemang matagal nang kinakaharap sa lokal na pulitika, kabilang ang political patronage, vote-buying at iba pang anyo ng maling pamumulitika na maaaring makaapekto sa mga halalan sa barangay.

Ikinababahala rin ng SPARK ang kapakanan ng mga kabataan dahil sa maaari ring naaapektuhan ang kanilang kinatawan sa Sangguniang Kabataan mga maling nagaganap sa larangan ng pulitika sa bansa.

“Ang pinakanakakabahala po dito ay dahil ang rason kung bakit ganito ang pagtingin sa ating mga SK official ay dahil disempowered sila. Hindi sila binibigyan ng nararapat na kapangyarihan,” Ani ni Basuel.

Ipinaliwanag ni Basuel na maraming SK officials ang may kakayahang magsagawa ng mga programang higit pa sa karaniwang sports at recreational activities, kabilang ang mga proyekto sa edukasyon, kalusugan at komunikasyon para sa mga komunidad ngunit kinakailangan nito ang sapat na pondo, training at kalayaan upang maisagawa ang kanilang mandato nang hindi naiimpluwensiyahan ng partisan politics.

“Marami pong nagagawa ang Sangguniang Kabataan basta’t nabibigyan sila ng nararapat na pondo, nararapat na training, at nararapat na espasyo para intindihin ang kanilang mga kapaligiran at maisagawa ang kanilang mga proyekto,” Ayon kay Basuel.

Sa bahagi naman ng Simbahan, ang pakikilahok sa halalan ay bahagi ng pananagutan ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat kung saan mahalaga rin ang paghuhubog sa mga kabataan bilang responsableng mamamayan, hindi lamang bilang mga botante kundi bilang mga maaaring maging lider at tagapaglingkod ng kanilang komunidad sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 24,372 total reads

 24,372 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 68,687 total reads

 68,687 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 106,321 total reads

 106,321 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 213,200 total reads

 213,200 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 256,929 total reads

 256,929 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top