997 total reads
Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ng mas malawak at pangmatagalang pagtugon sa paulit-ulit na pagbaha sa bansa.
Iginiit ng CEAP na hindi na lamang ito problema ng engineering kundi usapin din ng mabuting pamamahala, pangangalaga sa kalikasan at responsableng pagkamamamayan.
Sa isang pahayag, sinabi ng CEAP na bagama’t mahalaga ang mga flood-control infrastructure, kailangang tugunan din ang mga alegasyon ng mga ghost, substandard, overpriced at politically influenced projects.
Iginiit ng grupo na dapat itanong kung bakit napakalaki ng ginagastos ng pamahalaan para sa flood control ngunit hindi pa rin sapat ang proteksiyon na nararanasan ng mga komunidad laban sa pagbaha.
“The recurring flood crisis in the Philippines reveals that flooding is no longer simply an engineering problem; it is a governance, environmental, and civic problem. While flood-control infrastructure is necessary, allegations of ghost, substandard, overpriced, or politically influenced projects raise a more fundamental question: why does enormous public spending not always translate into safer communities?” Bahagi ng pahayag ng CEAP.
Ayon sa CEAP, maaaring pag-aralan ng Pilipinas ang mga karanasan ng ibang bansa tulad ng Netherlands, Japan at Singapore, ngunit hindi dapat umasa sa iisang solusyon lamang.
Sa halip, kailangan ang integrated flood-resilience approach na pinagsasama ang pangangalaga sa watershed, kagubatan at wetlands, retention areas, drainage at pumping systems, floodways, maayos na land-use planning, early warning systems at paghahanda ng mga komunidad.
Pagbabahagi ng CEAP, dapat ding magbago ang pananaw ng bansa mula sa pagtatangkang “kontrolin” ang bawat baha tungo sa mas matalinong pamamahala ng tubig sa pamamagitan ng pagpigil, pagpapabagal, pag-iimbak, paglihis at ligtas na pagtanggap sa tubig.
“The Philippines needs a whole-of-society approach to flood resilience. Government must pursue watershed-based planning, science-driven infrastructure, transparent procurement, independent inspection, strict accountability, and sustained maintenance; private contractors must be held to the same standards of integrity and performance expected from public officials; and communities must become active partners in protecting waterways, monitoring projects, preparing evacuation plans, and caring for their local environment.” Dagdag pa ng CEAP.
Binigyang-diin din ng CEAP na hindi lamang pamahalaan ang may pananagutan sa paglutas ng problema sa baha kung saan may bahagi rin ang mga mamamayan kapag nagiging tapunan ng basura ang mga daluyan ng tubig na dahilan ng pagbabara ng mga drainage, pagsakop ng wetlands at easements, at pagpapahintulot sa mga gawaing nakasisira sa kalikasan.
“Government cannot bear the entire responsibility. Citizens themselves are part of the flood system when waterways become dumping grounds, drainage is obstructed, wetlands and easements are occupied, or environmentally destructive practices are tolerated. More troubling is the apparent shortness of our political memory: public outrage over alleged corruption can be intense during a flood or investigation, yet during elections the same personalities, political families, networks, or allies may return to power.” Ayon pa sa CEAP.
Sa huli, binigyang-diin ng CEAP na hindi sapat ang pagtatayo lamang ng mas maraming flood-control projects upang malutas ang problema sa pagbaha.
Kailangan din ng mas mabubuting institusyon, responsableng mamamayan, matatag na komunidad at mga botanteng marunong makaalala—hindi lamang kapag tumataas ang tubig, kundi maging kapag sila ay bumoboto.




