It’s a time for Catholic schools to become more catholic, hamon ni Archbishop Uy sa CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,985 total reads

Hinamon ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Catholic school na higit pang palalimin ang paghubog sa mga kabataan, lalo na sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at paggamit ng Artificial Intelligence o AI.

Ito ang mensahe ni Archbishop Uy sa closing Mass ng 2026 National Convention ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa Cebu City.

Binigyang-diin ng arsobispo na hindi sapat na matuto lamang ang mga estudyante ng kaalaman at kasanayan. Mahalaga rin aniyang mahubog ang kanilang konsensya at kakayahang kumilala sa tama at mali.

“It is a time for Catholic education to become more Catholic,” pagbibigay diin ng arsobispo.

Dahil dito, hinimok ng arsobispo ang mga guro na isama ang paghubog sa pagpapahalaga at konsensya sa lahat ng asignatura, at hindi lamang iugnay ito sa Religion o Christian Living.

Dagdag pa ng arsobsispo, “I suggest we should not limit values formation to religion or Christian Living classes. We keep those, but every subject should help form conscience.”

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga paaralang Katoliko na maglaan ng mga lugar kung saan maaaring manalangin at magkaroon ng tahimik na oras ang mga estudyante upang mapalalim ang kanilang ugnayan sa Diyos.

Binigyang-diin ng pinunong pastol ng Cebu na sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon, kailangang matutong magsuri ang mga kabataan bago maniwala, magbahagi ng impormasyon o gumawa ng pagpapasya.
“Perhaps, my dear friends, one of the greatest gifts Catholic education can give this generation is the ability to say, ‘Before I click, before I share, before I follow the crowd, before I make a decision, let me ask what is true, what is right, and what is
God asking me to do,’” ayon kay Archbishop Uy.

Para sa arsobispo, mahalaga ang akademikong kahusayan at paghahanda sa hinaharap, ngunit dapat ding humantong ang edukasyong Katoliko sa pagkilala at pakikipag-ugnayan ng mga kabataan kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,152 total reads

 39,152 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,866 total reads

 74,866 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,136 total reads

 301,136 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,604 total reads

 194,604 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,529 total reads

 286,529 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,552 total reads

 6,552 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top