UST alumni at mag-aaral, hinimok na panindigan ang katotohanan, hustisya at kalayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,457 total reads

Hinihikayat ng University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters ang mga mag-aaral at alumni nito na panindigan ang katotohanan, hustisya at kalayaan bilang pamana ng mga naunang Tomasino.

Ayon kay UST – Faculty of Arts and Letter Dean Prof. Melanie Turingan-Marcos, Ph.D., mahalagang mapanatili ng mga mag-aaral ang kanilang mga pagpapahalaga sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng lipunan, habang ginagamit ang kanilang panahon sa UST upang
higit na makilala ang sarili at matukoy ang ambag sa lipunan,

Ito ang panawagan ng UST official sa pagdiriwang ng ika-60 founding anniversary ng Faculty of Arts and Letters at unveiling ng commemorative mural sa Main Lobby ng UST – St. Raymond de Penafort Building nitong Biyernes,

“To our Artlets students and alumni, we are very grateful for the unveiling of the mural. So this is the culminating activity for the 60th founding anniversary of the Faculty of Arts and Letters, and we look forward to seeing you all again as we commemorate the 130th anniversary of the Faculty of Philosophy and Letters. I wish that we continue to be lovers of truth, seekers of justice, and fighters of freedom, because that is what our ancestors and our alumni had left as a legacy. So we, as Thomasians, should continue to flourish the legacy of excellence that they left,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Marcos.

May sukat na five feet by 24 feet ang mural na nilikha ng magkakapatid na Michael, Noel at Glenn Blanco, na pawang alumni ng UST Faculty of Arts and Letters, bilang bahagi ng temang “From Pen to Pixels: Honoring the Past, Embracing the Future,”

Pinangunahan ni UST Father Regent George Phe Mang, O.P. ang invocation at blessing ng mural, habang kabilang sa nagbigay ng mensahe sina Dean Turingan-Marcos at UST Rector The Very Reverend Father Richard Ang, O.P., Ph.D., kasama si dating Senator Joey Lina bilang Guest of Honor and Speaker,

Sa huli, binigyang-diin ni Marcos na bahagi ng legacy ng Faculty ang pagiging “lovers of truth, seekers of justice, and fighters of freedom,” na inaasahang ipagpapatuloy ng mga Tomasino sa pagharap sa kinabukasan.

“Sa mga mag-aaral ng UST Faculty of Arts and Letters, nawa ay ipagpatuloy natin ang sinimulan kung saan ang katotohanan ay ipinaglalaban, ang hustisya ay tinatindigan, at habang ang ating mga values ay intact, maraming mga pagsubok sa atin at sa ating lipunan, pero hindi dapat magbago o hindi dapat mapagod ang bawat isa sa pagnanais na makamit ang kinabukasan na deserve nating lahat. So sana yung time na nandito kayo sa UST ay maging daan para mas makilala niyo ang inyong sarili at mahahanap ang inyong kontribusyon para sa lipunan at bilang paggalang at pagbalik-tanaw sa ating paaralan, So, God bless everybody, and thank you all for those who came and witnessed this joyous occasion,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,174 total reads

 38,174 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,935 total reads

 73,935 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,205 total reads

 300,205 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,673 total reads

 193,673 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,648 total reads

 285,648 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top