Si Hesus ang tunay nating “good luck” – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,167 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang tunay na “Buen Suceso” ay hindi magandang kapalaran o buhay na walang kinakaharap na mga pagsubok, kundi ang pagkakatagpo kay Hesukristo at pananatili sa kanya sa gitna ng mga pagsubok.

Sa kanyang homiliya sa ika-401 kapistahan at pagdambana ng Nuestra Señora del Buen Suceso sa St. Andrew Cathedral sa Parañaque City nitong Agosto 10, sinabi ni Cardinal Advincula na hindi ipinapangako ng debosyon kay Maria ang buhay na walang paghihirap, kabiguan at masasamang pangyayari.

“Mary does not bring us good fortune in the sense of good luck. Mary brings us, Jesus. Jesus is our real ‘Buen Suceso.’ To find him is the best thing that can happen to us,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng kardinal na ang pagiging pinagpala ay hindi nangangahulugang magiging madali ang lahat ng bagay sa buhay.

“A blessed life is not a life without suffering. A successful life is not a life without failure. A life of faith is not a life protected from every bad event,” aniya.

Sa halip, sinabi ni Cardinal Advincula na ang tunay na buhay ng pananampalataya ay ang patuloy na pagtitiwala sa Diyos kahit nahaharap sa mga sitwasyong hindi inaasahan o hindi ninanais ng tao.

“A life of faith is a life in which God remains with us through everything, and we continue to entrust ourselves to God with childlike confidence despite everything,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na maging ang mga pangyayaring tila kabiguan ay maaaring maging bahagi ng plano ng Diyos, gaya ng krus ni Hesus na naging daan tungo sa muling pagkabuhay.

Ayon sa kardinal, hindi rin laging ang pagbabago ng sitwasyon ang sagot ng Diyos sa panalangin sa halip ay binabago ng Panginoon ang tao.

“Sometimes we pray for God to change our circumstances. And sometimes he does. But at other times, God changes us in the midst of our circumstances,” giit ng kardinal.

Samantala, pinagtibay naman ni Fr. Lamberto Legaspino, rector at parish priest ng Diocesan Shrine of Nuestra Señora del Buen Suceso, ang kahalagahan ng mensahe ni Cardinal Advincula lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Sa panayam sa Radyo Veritas, hinikayat ni Fr. Legaspino ang mga mananampalataya na bumaling kay Maria sa gitna ng paglaganap ng kasinungalingan at katiwalian sa lipunan.

“How I pray that what’s happening in our society nowadays, with so many lies and corruptions, that the people will turn to Mary. Because Mary is the mother of truth. Mother of Jesus Christ,” pahayag ni Fr. Legaspino.

Ayon sa pari, ang paglapit kay Maria ay umaakay sa tao patungo kay Hesus, na siyang katotohanan ng buhay.

Binigyang-diin nito na sa pagkakatagpo kay Kristo matatagpuan ang tunay na kahulugan ng Buen Suceso.

“When you go to Mary, you will find good events in life because all things will be good events with Jesus Christ,” giit ng pari.

Noong 1625, nang dumating sa Parañaque ang imahen ng Nuestra Señora del Buen Suceso, na ipinagkatiwala sa mga Agustino.

Mula noon, lumaganap ang debosyon sa Mahal na Birhen at naging patrona ng lunsod.

Ngayong 2026, ipinagdiriwang ang ika-401 taon ng debosyon sa Nuestra Señora del Buen Suceso at ang pagtatapos ng Jubilee year para sa ikaapat na siglong pamamatnubay ng Mahal na Birhen sa mga deboto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 15,359 total reads

 15,359 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 52,472 total reads

 52,472 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 106,306 total reads

 106,306 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 169,248 total reads

 169,248 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 237,014 total reads

 237,014 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top