Bishop Pabillo, umaapela ng pagkakaisa sa mga nasalanta ng bagyo at sama ng panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,529 total reads

Umapela ng pagkakaisa si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo para sa mga Pilipinong higit na naaapektuhan ng masamang panahon, lalo na sa mga lugar na patuloy na nakararanas ng pag-ulan.

Sa kaniyang mensahe at pananalangin hinggil sa masamang panahon, hinikayat niya ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa, manalig at magtulungan, habang nanawagan sa mga may kakayahang tumulong na umalalay sa mga higit na nangangailangan.

Inalala rin ng Obispo ang mga manggagawa higit na sa sektor ng pangingisda at pagsasaka na lubhang naapektuhan ng masamang panahon na hindi makapagtrabaho, nawa ayon sa Obispo ay magkaroon na ng kahunahunan ang panahon dahil ang kanilang kabuhayan ay nakasalalay sa magandang panahon.

“Sa ngayon, parang okay pa naman kami at maraming salamat sa Diyos. Pero para sa mga taong higit na naaapektuhan ng masamang panahon, lalo na sa mga lugar na palaging inuulan, sana ay huwag tayong mawalan ng pag-asa. Manalig tayo at magtulungan. At sa mga may kakayahang tumulong, sana ay maging bukas ang ating puso at loob na umalalay sa mga talagang nahihirapan sa panahong ito. Ang problema lang namin ay dahil pabugso-bugso ang ulan, naaapektuhan ang mga mangingisda at mga magsasaka dahil hindi sila makapagtrabaho araw-araw. Ang mga mangingisda, halimbawa, ay kailangan lumabas araw-araw upang makahuli ng isda para sa kanilang pangangailangan. Kaya iyon ang isang problema namin,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Tiniyak pa ni Bishop Pabillo na bagama’t magkakaiba ang kondisyon sa malawak na sakop ng Taytay Palawan, wala pa naman siyang natatanggap na ulat ng malawakang pangangailangan ng tulong ngunit nananatili ang pangamba para sa mga lugar na posibleng makaranas ng landslide, lalo na kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.

Panalangin din ni Bishop Pabillo ang ikabubuti ng Puerto Princesa Palawan dahil pinapapangambahan na mas matindi ang epekto ng masamang panahon sa Southern Palawan.

“Sa amin sa Taytay, iba-iba ang kalagayan dahil malaki ang sakop ng aming lugar. Sa ibang bahagi, marami ang ulan, habang sa iba naman ay maaraw, kaya magkakaiba ang sitwasyon. Sa ngayon, wala pa naman akong naririnig na balita na may mga taong nangangailangan ng tulong, bagama’t ang pinakamalaking panganib sa amin ay landslide. Sa awa ng Diyos, wala pa naman akong naririnig na malakas na landslide na nangyari at sana ay hindi ito mangyari.Mas matindi ang epekto sa Southern Palawan, lalo na sa mga lugar patungong Quezon at iba pang bahagi ng Puerto Princesa. Pero dito sa Northern Palawan, parang hindi pa naman ganoon kasama ang aming kalagayan,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Sa kabila nito, hinikayat ni Bishop Pabillo ang mga Pilipino na panatilihin ang pagkakaisa at malasakit, at maging bukas sa pagtulong sa mga komunidad na higit na tinatamaan ng epekto ng Habagat.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 40,689 total reads

 40,689 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 36,065 total reads

 36,064 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 70,886 total reads

 70,886 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 172,706 total reads

 172,706 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 213,265 total reads

 213,265 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 232,378 total reads

 232,378 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top