Mananampalataya, hinimok ng Arsobispo ng Maynila na tuluran ang Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,283 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria sa buong-buhay na pag-aalay ng sarili, kababaang-loob, at matatag na paninindigan sa katarungan ng Diyos.

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Maria sa Our Lady of the Assumption Parish sa Malate, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang halimbawa ng Mahal na Ina ay mahalaga lalo na sa harap ng mga baluktot na pagpapahalaga at kawalang-katarungan sa mundo.

“Itinuturo sa atin ng ating Mahal na Ina na patuloy tayong magtiwala at manindigan sa katarungan ng Diyos,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, bagama’t maaaring magmukhang talo ang isang tao dahil sa umiiral na maling pagpapahalaga sa lipunan, darating ang panahon na ang lahat ay huhusgahan at isasaayos sa kaharian ng Diyos.

Binigyang-diin ng kardinal na ipinamamalas ng Mahal na Birhen sa mananampalataya ang kababaang-loob sa pamamagitan ng kanyang pag-alay ng sarili sa kalooban ng Diyos.

“Itinuturo sa atin ng ating Mahal na Ina na ang buong sariling pag-aalay ay isang paraan upang matularan natin siya, na harinawa ay magdadala rin sa atin sa kanyang kinaroroonan,” ani ng kardinal.

Samantala, sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Fr. Hans Magdurulang, parish priest ng Our Lady of the Assumption Parish, na ang Pag-aakyat kay Maria sa Langit ay patunay na may patutunguhan ang katapatan at kabutihan ng tao.

“Ang pag-akyat kay Maria sa Langit ay patunay lamang na ang katapatan at kabutihan para sa Diyos ay tunay na may kalalagyan,” ayon kay Fr. Magdurulang.

Aniya, nananatiling napapanahon ang mensahe ng Mahal na Ina, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bayan na laganap ang katiwalian at kawalang-katarungan, kung saan hinahamon ang mamamayan na manatiling tapat sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok, tukso, at paghihirap.

“Sa gitna ng mga pagsubok, sa gitna ng tukso, sa gitna ng mga hindi magandang nangyayari, sa gitna ng paghihirap, kahit na sa gitna ng pagsubok sa sarili nating buhay, piliin nating maging tapat, katulad ni Maria,” dagdag ng pari.

Binigyang-diin niyang ang katapatan ay dapat makita sa pananalangin at sa paggawa ng kabutihan sa kapwa, bilang konkretong pagsasabuhay ng halimbawa ng Mahal na Ina.
Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng parokya ang ika-74 na kapistahan at ang ika-75 na anibersaryo ng pagkatatag ng parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 20,017 total reads

 20,017 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 127,243 total reads

 127,243 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 164,030 total reads

 164,030 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 194,604 total reads

 194,604 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 242,172 total reads

 242,172 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top