Walang puwang ang diskriminasyon sa simbahan, Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Hinamon ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na iwaksi ang anumang uri ng diskriminasyon at pagtatangi sa kapwa, at binigyang-diin na ang kaligtasan ng Diyos ay walang itinatangi.

Sa kanyang homiliya para sa Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon, sinabi ni Bishop Pabillo na ang mensahe ng Ebanghelyo tungkol sa babaeng Cananea ay malinaw na nagpapakita na ang awa at pagliligtas ng Diyos ay hindi nakalaan lamang sa isang lahi o grupo.

“Ang paglapit sa Diyos at pagtanggap ng kaligtasan “ay hindi nagdepende sa lahi, dugo, o kulay ng balat. Gusto ng Diyos na ang lahat ay maligtas at makaalam ng katotohanan ng kaligtasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na bagama’t ang mga Hudyo ang bayang pinili ng Diyos, hindi nangangahulugan ang pagpiling ito na para lamang sa kanilang kapakinabangan ang kaligtasan.
Sa halip, sila ay pinili upang maging instrumento upang makilala rin ng lahat ng bansa ang Diyos.

Aniya, mula pa sa Lumang Tipan ay ipinahayag na ang layunin ng Diyos ay tanggapin ang mga dayuhan bilang bahagi ng kanyang bayan, kaya’t ang templo ay tatawaging “bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Iniugnay ni Bishop Pabillo ang aral ng Kasulatan sa patuloy na suliranin ng racism at diskriminasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinuran ng obispo ang diskriminasyon laban sa mga Palestinian, Black, Asian, at Latino sa ilang bahagi ng mundo, gayundin ang pagtanggi sa mga refugee at paglabag sa karapatan ng mga katutubo, kabilang ang pag-agaw sa kanilang ancestral domain.

Aniya, ipinakikita nito na nananatiling malaking suliranin ng sangkatauhan ang pagkiling sa sariling lahi, relihiyon, kulay ng balat at grupo.

Maging ang salaysay tungkol kay Jesus at sa babaeng Cananea, ayon sa obispo ay nagpapakita kung paano nalalampasan ang ganitong mga hangganan.

Bagama’t sa simula ay tila hindi pinansin ni Jesus ang babae at binigyang-diin ang kanyang misyon para sa “mga naliligaw na tupa ng Israel,” hindi sumuko ang babae.

Sa kanyang pagpapakumbaba at matiyagang pagtitiwala, ipinakita niya ang lalim ng kanyang pag-ibig sa kanyang anak.

Binigyang-diin din ng obispo na ang pagiging Katoliko mismo ay nangangahulugan ng pagiging pangkalahatan at bukas sa lahat.

“Universal! Pangkalahatan! Iyan ang ibig sabihin ng salitang “Katoliko”. Tayo ay Katoliko kasi ang lahat ay tinatanggap natin, lahat ng lahi, lahat ng tao, kahit na makasalanan, kasi si Jesus ay dumating upang magpatawad sa mga makasalanan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Gayunman, kinilala niyang hamon sa mga mananampalataya ang sariling mga pagkiling at pagtatangi, kabilang ang mababang pagtingin sa mga taong hindi kabilang sa kanilang grupo o sa ibang relihiyon.

Panawagan ng obispo sa mga mananampalataya na maging tunay na Katoliko sa pamamagitan ng pagpapahalaga at paggalang sa bawat tao.

“Maging tunay na katoliko po tayo. Pahalagahan at igalang natin ang lahat. Abutin natin ang lahat at ibahagi sa kanila ang pananampalataya na mahal ng Diyos ang lahat at inaabot niya ang lahat ng tao,” ani Bishop Pabillo.

Apela ng pastol sa mamamayan na gawing konkretong pamumuhay ang pagiging isang pandaigdigang Simbahan at isang pamayanang hindi nagbubukod batay sa lahi, kulay, dugo o pinagmulan, kundi kumikilala sa dignidad ng bawat tao bilang nilalang at minamahal ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 3,466 total reads

 3,466 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 85,594 total reads

 85,594 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 187,321 total reads

 187,321 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,109 total reads

 224,109 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 254,642 total reads

 254,642 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top