YSLEP scholars, hinimok na maging servant leaders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,593 total reads

Hinimok ni Akbayan Party-list Representative Atty. Chel Diokno ang mga Caritas Manila scholars na maging “servant leaders” na inuuna ang kapakanan ng komunidad kaysa pansariling interes.

Sa kanyang keynote address sa 11th General Assembly ng Caritas Manila Alumni Scholars Association o CAMASA, sinabi ni Diokno na hindi dapat maging lider ang isang tao para lamang sa posisyon, spotlight o kapalit na benepisyo dahil mas kailangan ng lipunan ang mga lider na marunong makinig, kumonsulta at gumagawa ng desisyon batay sa kapakanan ng nakararami.

““Ang kailangan na kailangan nating leader ngayon, ‘yung kilala niyo sa tawag na ‘servant leader,’ o sa akin, mas maganda pa nga ang pangalan, ‘transformational leader.’ Dahil ‘yung transformational leader, ‘yan ang nagbabago talaga ng buhay ng kanyang pinaglilingkuran. At ‘yan ang wish ko sa inyo, na lahat ng Caritas Manila scholars ay maging servant leader. Hindi naman kailangan na ‘yung sinasabing great things ang gagawin natin, hindi naman eh. Sa bawat komunidad, basta’t merong leader na tatayo para sa kapakanan ng buong komunidad, hindi niya unahin ‘yung kanyang sariling interes kundi ‘yung kapakanan ng buong mga magkakasama do’n,” ayon sa mensahe ni Diokno para sa CAMASA 11th General Assembly.

Binigyang-diin din ni Diokno na hindi kailangang humawak ng posisyon upang makapaglingkod kaya inihalimbawa niya ang mga ordinaryong mamamayan na nagpasimula ng community pantries noong pandemya, na aniya ay nagpapakita na maaaring magsimula ang tunay na pagbabago kahit pa kakaunti pa lamang ang mga taong handang kumilos para sa iba.

Nanawagan din ang mambabatas sa mga scholars na manindigan laban sa kawalan ng katarungan, korapsyon at pang-aabuso, at ipaglaban ang dignidad at karapatan ng mga higit na nangangailangan.

Iginiit niya na bukod sa kamalayang pambansa o national consciousness, kailangan din ng bansa ang “konsensiyang pambansa” o national conscience upang magkaroon ng tapang na kumilos kapag may nakikitang mali sa lipunan.

“And for me, ‘yung talagang isang napakagandang asal ng isang leader ay kahit na hindi siya ‘yung natatamaan, basta’t meron siyang nakikitang hindi tama, meron siyang nakikitang inhustisya, tatayo, titindig, at ipaglalaban niya ‘yung biktima ng inhustisya. And I hope that all of you today, in the weeks and months and in the years to come, will also learn to fight not only for yourselves, but especially for our brothers and sisters, lalong-lalo na ‘yung dehado sa ating bansa. At ‘yung inuuna natin palagi ang dangal, ang dignidad, ang buhay ng bawat kasama natin.,” bahagi pa ng mensahe ni Diokno para sa CAMASA 11th General Assembly.

Kabilang sa mga binanggit ni Diokno ang pangangailangan para sa anti-political dynasty law at pananagutan sa mga sangkot sa korapsyon kaya sa huli, hinikayat niya ang mga Caritas scholars na gamitin ang kanilang edukasyon at kakayahan upang maging bahagi ng pagbabago at pagtataguyod ng isang mas makatarungan at makataong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 21,422 total reads

 21,422 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 106,828 total reads

 106,828 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 170,670 total reads

 170,670 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 258,374 total reads

 258,374 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,344 total reads

 340,344 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top