Paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, itinakda ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,642 total reads

Paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, itinakda ng Caritas Manila

Tiniyak ni Nicole Mactal – Program Officer ng Caritas Manila – Caritas Damayan Program na nagpapatuloy ang mga insyatibo at repacking ng relief goods para sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat.

Ayon kay Mactal, kasalukuyang isinasagawa sa kanilang warehouse ang repacking ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong pamilya, habang nakapaghatid nadin ng tulong ang Caritas Manila sa apat na simbahan sa Archdiocese of Manila—Mary the Queen, St. John the Baptist, Our Lady of Fatima, at Santo Niño de Tondo.

Nakatakda ring ihatid ng Caritas Manila ngayong linggo ang paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, habang habang naipadala na rin ang tulong sa Nueva Ecija.

Kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga apektadong komunidad ang pagkain, malinis na sulpay ng tubig, gamot, wash kits, sanitary at hygiene supplies.

Dahil patuloy ang pag-ulan, umaasa muna ang Caritas Manila sa kanilang mga staff upang maipagpatuloy ang paghahanda at pamamahagi ng relief goods, habang limitado ang pagpapadala ng karagdagang volunteers.

“Ngayon po, sa lahat po ng mga nakikinig at nanonood po ngayon, kami po ay lumalapit sa inyo. Kahit ano pong tulong ang inyong maibigay ay alam ko naman na makakarating po sa mga beneficiary po natin na apektado po ng Habagat. At malaking tulong na rin po ’yun sa kanila at maging sa amin din po, Kahit ano pong tulong ang inyong maibigay ay makakarating po sa mga beneficiary natin na apektado ng Habagat, at malaking tulong na rin po ’yun sa kanila at sa amin.”” ayon sa panayam kay Mactal sa Programang Caritas in Action Program.

Samantala, nananawagan ang Caritas Manila sa publiko para sa mga nais magbigay ng tulong, cash man o in-kind donations, upang madagdagan ang ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.

Maaaring makipag-ugnayan sa Caritas Manila sa 0967-276-4806 o 0938-059-4829. Para naman sa GCash at BPI donation channels, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng Caritas Manila.

Patuloy na hinihikayat ng Caritas Manila ang publiko na makiisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kababayang nasalanta ng masamang panahon, bilang konkretong pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 21,471 total reads

 21,471 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 106,877 total reads

 106,877 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 170,719 total reads

 170,719 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 258,420 total reads

 258,420 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,386 total reads

 340,386 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top