Paghahanda sa Nazareno 2027, sinimulan ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,823 total reads

Ibinahagi ng pamunuan ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ang pagsisimula ng mga paghahanda para sa Nazareno 2027, hindi lamang para sa maayos at ligtas na Traslación kundi higit sa lahat, para sa pagpapalawak ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ayon kay Fr. Ramon Jade Licuanan, rector at parish priest ng Quiapo Church, layunin ng paghahanda na mailapit ang pagdiriwang sa mas maraming deboto sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga lokal na kapistahan sa mga diyosesis.
“I think a more important reason is para yung debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay makarating sa iba’t ibang sulok ng ating bansa and even from other countries,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radyo Veritas.

Sinabi ng pari na nais ng Quiapo Church na mas dumami ang mga lokal na pagdiriwang ng kapistahan ng Jesus Nazareno, lalo na sa mga diyosesis na malayo sa Manila.

Bahagi nito ang patuloy na Dalaw Nazareno kung saan buwan-buwan ay dinadala ang debosyon sa iba’t ibang lugar at nagbibigay ng mga opisyal na replica ng imahen ng Jesus Nazareno sa mga diyosesis upang mahikayat ang mga lokal na pagdiriwang.

Ibinahagi pa ni Fr. Licuanan na may mga opisyal na replica na ipinadala sa ibang bansa, kabilang ang Amerika, bilang bahagi ng pagsisikap na mapalawak ang debosyon sa Jesus Nazareno sa labas ng Pilipinas.

Naniniwala si Fr. Licuanan na mahalaga ang ganitong hakbang hindi lamang upang maibsan ang napakalaking bilang ng mga debotong nagtutungo sa Maynila kundi upang magkaroon ang mga mananampalataya ng pagkakataong ipagdiwang ang kapistahan sa kani-kanilang mga komunidad.
“Hindi naman ganoon kalakihan ang Maynila, meron tayong maliliit na kalsada, and it’s very challenging… to ensure yung maayos, banal at ligtas na pagdiriwang,”

Samantala, sinabi ng pari na nagkaroon na ang Quiapo Church ng strategic planning para sa Nazareno 2027 at nabuo na rin ang mga komiteng mangunguna sa paghahanda.

Isinasagawa na rin ang mga courtesy meeting kasama ang iba’t ibang ahensiyang katuwang ng dambana para sa seguridad at operasyon ng kapistahan, kabilang ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, intelligence community at Malacañang.

Binigyang-diin ni Fr. Licuanan na malawak ang saklaw ng paghahanda dahil itinuturing ang kapistahan ng Jesus Nazareno bilang isang national security event, lalo na sa harap ng milyong-milyong debotong dumadalo sa mga aktibidad, partikular sa Traslación.

Mahalagang usapin ito matapos tumagal nang halos 31 oras ang Traslación 2026, ang pinakamahabang Traslación na naitala sa kasaysayan na dinaluhan ng milyun-milyong deboto sa kahabaan ng ruta.

Tema para sa Nazareno 2027 ang “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon,” na hango sa Juan 1:23.

Inihahanda naman ang mga deboto hindi lamang para sa isang malaking prusisyon kundi para sa mas malalim na pag-unawa sa kahulugan ng kanilang debosyon.

“Isa itong pagkakataon na naman po para magpasalamat tayo, una sa lahat, sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa isang sama-samang pagdiriwang ng kapistahan sa kanyang karangalan,” ayon kay Fr. Licuanan.

Dagdag ng opisyal na mahalaga ring gamitin ang pagdiriwang upang palalimin ang pananampalataya at maunawaan nang higit ang kahulugan ng iba’t ibang gawaing debosyonal sa Mahal na Poong Jesus Nazareno.

Samantala, binuksan din ng Quiapo Church sa publiko ang logo-making contest para sa Nazareno 2027 kung saan sa kasalukuyan ay mayroon itong 40 entries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,890 total reads

 226,890 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,621 total reads

 258,621 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,445 total reads

 360,445 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,008 total reads

 401,008 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,439 total reads

 412,439 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top