449 total reads
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na alalahanin ang tapang at paninindigan ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at isabuhay ang mga aral nito sa pangangalaga sa demokrasya.
Sa mensahe para sa Ninoy Aquino Day, sinabi ng Pangulo na mahalagang kilalanin ang nakaraan at gamitin ito upang palakasin ang kalayaan, mga institusyon ng bansa at pagkakaisa ng mga Pilipino.
“Ninoy Aquino Day, therefore, invites us to acknowledge the past and draw from it the resolve needed to safeguard freedom, strengthen our institutions, and deepen national unity,” ayon kay Marcos.
Binigyang-diin din ni Marcos na kabilang sa mga hamon sa demokrasya ngayon ang disinformation, pagkakahati-hati, kawalan ng tiwala at kawalang-interes sa mga usaping pambansa.
Binigyan diin pa ng Pangulo, “The challenges facing our democracy may have changed over time, but our shared responsibility to reinforce it remains. Disinformation, division, distrust. and civic indifference underscore the importance of active engagement in our nation’s affairs. Ninoy’s legacy encourages us to meet these challenges with vigilance and faith in the Filipino people as we work together to deliver meaningful progress for all.”
Nanawagan ang Pangulo ng mas masigasig na pakikilahok ng mga mamamayan sa mga usaping may kinalaman sa bayan at sa pagtatanggol sa karapatan at dignidad ng bawat isa.
Tiniyak naman ni Marcos na patuloy na pangangalga ng administrasyon ang soberanya ng bansa, rule of law at kalayaan, kasabay ng pagsusulong ng mga oportunidad para sa mga Pilipino.
Idinaos ang Ninoy Aquino Day bilang paggunita sa buhay at sakripisyo ng dating senador na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng demokratikong pakikibaka sa Pilipinas.




