Gawing pastoral na pagkilos ang synodality, apela ni Bishop Occiano sa mga lider ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,672 total reads

Hinimok ni Virac Bishop Luisito Occiano, chairman ng CBCP Committee on Synodal Transformation, ang mga lider ng Simbahan na gawing konkretong pastoral na pagkilos ang synodality sa halip na ituring lamang itong programa ng simbahan.

Ayon sa pahayag ng komite, ito ang sentro ng limang-araw na formation program na “Sulong-Padayon: Igniting Filipino Synodal Leadership,” na isinasagawa mula August 17 hanggang 21 sa Pope Pius XII Catholic Center sa Maynila, at nilahukan ng mga pari at layko na synodal implementors mula sa 33 diyosesis sa bansa.

“Synodality begins when we learn to listen to one another and discern together what the Holy Spirit is asking of the Church,” ayon sa pahayag ni Bishop Occiano.

Binigyang-diin din ng obispo na ang tunay na synodal leadership ay hindi dapat nakasentro sa iisang lider kundi sa paglikha ng mga puweang para sa aktibong pakikilahok at ambag ng bawat miyembro ng Simbahan.

“Synodal leadership is not leadership exercised alone, but leadership that creates space for others to participate and contribute,” ayon sa obispo.

Layunin ng paghuhubog na palalimin ang isang natatanging Filipino expression ng synodal leadership na nakaugat sa pakikinig, pagninilay, pakikilakbay, pananagutan, pakikipagtulungan, at inklusibong pakikilahok.

Binigyang pansin din sa pagtitipon ang pagpapalakas ng Basic Ecclesial Communities (BECs), mga grassroots community at mga sektor na kadalasang nasa laylayan ng buhay-Simbahan.

Sa pamamagitan ng biblical reflection, bibliodrama at mga experiential activities, hinahamon ang mga kalahok na kilalanin ang mga tinig na madalas hindi naririnig at maging mas bukas sa pagkilos ng Espiritu Santo sa mga tao at komunidad.

Binigyang-diin din ni Occiano ang pangangailangang maisalin ang synodal listening sa kongkretong pastoral na pagkilos.

“It is a call to transform synodal listening into concrete pastoral action and to build communities where everyone has a place, a voice, and a contribution,” ani Bishop Occiano.

Kabilang din sa formation ang pagpapalakas ng interministeriality o pagtutulungan ng iba’t ibang CBCP commissions, gayundin ang pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa mga lokal na pamahalaan, iba pang institusyon at sektor ng lipunan para sa kabutihang panlahat.

Isang mahalagang bahagi ng programa ang pakikipagdayalogo kay CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera, kung saan ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan at hamon sa pagpapatupad ng synodal leadership sa kani-kanilang diyosesis.

Ang Sulong-Padayon, na sumasagisag sa patuloy na pag-usad at pagpapatuloy nang magkakasama, ay naglalayong ihanda ang mga lider upang maiuwi ang diwa ng synodality sa kanilang mga diyosesis, parokya, komunidad, at mga ministry.

Umaasa ang pamunuan ng komite na magkaroon ng panibagong commitment ang mga kalahok na isabuhay ang isang Simbahang mas nakikinig, nakikilahok, at nagmimisyon, isang Simbahang sama-samang naglalakbay bilang iisang sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,389 total reads

 77,389 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,160 total reads

 172,160 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,428 total reads

 216,428 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,537 total reads

 239,537 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,186 total reads

 311,186 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top