Alalahanin ang tapang at paninindigan ni Ninoy, PBBM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,319 total reads

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na alalahanin ang tapang at paninindigan ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at isabuhay ang mga aral nito sa pangangalaga sa demokrasya.

Sa mensahe para sa Ninoy Aquino Day, sinabi ng Pangulo na mahalagang kilalanin ang nakaraan at gamitin ito upang palakasin ang kalayaan, mga institusyon ng bansa at pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Ninoy Aquino Day, therefore, invites us to acknowledge the past and draw from it the resolve needed to safeguard freedom, strengthen our institutions, and deepen national unity,” ayon kay Marcos.

Binigyang-diin din ni Marcos na kabilang sa mga hamon sa demokrasya ngayon ang disinformation, pagkakahati-hati, kawalan ng tiwala at kawalang-interes sa mga usaping pambansa.

Binigyan diin pa ng Pangulo, “The challenges facing our democracy may have changed over time, but our shared responsibility to reinforce it remains. Disinformation, division, distrust. and civic indifference underscore the importance of active engagement in our nation’s affairs. Ninoy’s legacy encourages us to meet these challenges with vigilance and faith in the Filipino people as we work together to deliver meaningful progress for all.”

Nanawagan ang Pangulo ng mas masigasig na pakikilahok ng mga mamamayan sa mga usaping may kinalaman sa bayan at sa pagtatanggol sa karapatan at dignidad ng bawat isa.

Tiniyak naman ni Marcos na patuloy na pangangalga ng administrasyon ang soberanya ng bansa, rule of law at kalayaan, kasabay ng pagsusulong ng mga oportunidad para sa mga Pilipino.

Idinaos ang Ninoy Aquino Day bilang paggunita sa buhay at sakripisyo ng dating senador na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng demokratikong pakikibaka sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,749 total reads

 98,749 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,113 total reads

 149,113 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,796 total reads

 277,796 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,182 total reads

 363,182 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,675 total reads

 421,675 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top