994 total reads
Nagbabala si Pope Leo XIV na ang epekto ng digmaan ay hindi lamang sa larangan ng labanan kundi umaabot sa mga pamilya, komunidad at kalikasan.
Sa kanyang mensahe para sa 11th World Day of Prayer for the Care of Creation, sinabi ng Santo Papa na nagdudulot ang digmaan ng pagkamatay, pagkasira ng tahanan, paglikas at pagkasira ng kapaligiran.
“In place of the weapons of war, the God of peace grants us the strength to heal, to reconcile and to build a civilization of love,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo.
Giit pa ni Pope Leo, maaari rin nitong palalain ang kahirapan, gutom at hindi pagkakapantay-pantay at magdulot ng panibagong kaguluhan.
Nanawagan si Pope Leo na pairalin ang kapayapaan, diyalogo, katarungan at pagmamahal sa halip na karahasan.
“What has been used for destruction,can be redirected toward life, toward the care of the poor, the nourishment of the hungry, and the safeguarding of creation,” ayon sa Santo Papa.
Tema ngayong taon “They shall beat their swords into plowshares and their spears into pruning hooks” (Isaiah 2:4)-ang panawagang gawing mga kagamitan para sa pagsasaka ang mga sandata ng digmaan, bilang simbolo ng pagtataguyod ng buhay at pangangalaga sa kalikasan.
Ayon pa kay Pope Leo, “The true tools for building peace are not weapons of destruction; instead, they are truth, dialogue, patience, goodness, justice, mercy, understanding, care and love.”
Ipagdiriwang ang World Day of Prayer for the Care of Creation sa Setyembre 1.
Ayon sa Santo Papa, dapat magsimula ang tunay na kapayapaan sa pagbabago ng puso at paggalang sa kapwa at sa sangnilikha.




