819 total reads
Itinampok ng International Committee of the Red Cross o ICRC ang kanilang patuloy na pagtulong na maprotektahan ang buhay at dignidad ng mga sibilyan sa gitna ng mga armadong tunggalian sa Pilipinas bilang bahagi sa paggunita sa World Humanitarian Day.
Ayon kay Von Gustilo – Protection Officer ng ICRC, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagbisita sa mga kulungan at liblib na komunidad bilang bahagi ng mandato ng organisasyon na hikayatin ang mga armadong grupo na sumunod sa international humanitarian law o mga batas ng digmaan.
Kabilang sa kanyang mga karanasan ang pagtugon sa kaso ng isang detainee sa isang kulungan sa Cavite at pakikipag-ugnayan sa mga residente ng isang liblib na komunidad sa Northern Samar kaya giit ng ICRC, layunin ng kanilang trabaho na mapangalagaan ang dignidad at karapatan ng mga taong apektado ng armadong tunggalian.
“For the past 14 years that I have worked for the ICRC, I have become familiar with how armed conflict affects people. They face harm, death or destruction, while some people have had to deal with invisible scars. Some people have lost their livelihoods after they had to move to another place to escape the fighting,” ayon sa mensaheng pinadala ng ICRC sa Radyo Veritas.
Samantala, nanawagan sina International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies President Kate Forbes at ICRC President Mirjana Spoljaric ng mas matibay na pagkilos para protektahan ang humanitarian personnel dahil narin sa unang bahagi ng taong ito, 12 kasamahan ng International Red Cross and Red Crescent Movement ang nasawi sa mga insidenteng may kaugnayan sa karahasan, habang 24 naman ang nasawi noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ng dalawang lider na hindi dapat maging normal ang pag-atake sa humanitarian workers kaya hinikayat nila ang mga pamahalaan at mga partido sa armadong tunggalian na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng international humanitarian law upang matiyak na ligtas na makararating ang tulong sa mga nangangailangan at makababalik nang ligtas ang mga humanitarian worker sa kanilang mga tahanan.
“The ways in which we help conflict-affected people goes far beyond the examples I have shared. We regularly orient community members and leaders, arms bearers, authorities, journalists, religious groups, and other stakeholders, so that they develop a better understanding of what IHL is and how they can all contribute to an environment that respects the rules of war. This is necessary because the ICRC cannot do this alone— protecting individuals affected by armed conflict requires a collective effort, particularly through all parties to the conflict respecting their
obligations under IHL,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ng ICRC sa RAdyo Veritas.
Una ng kinilala ng Simbahang katolika ang mga Humanitarian Workers at iba pang sektor na may kaugnayan sa gawain sa naging paggunita ng Humanitarian Day na ngayong tayon ay itinuon ng United Nations ang pagdiriwang upang higit at mas kinakailangang pansin ang Universal Health Care at pagsusulong ng kapayapaan sa mundong nababalot ngayon ng ibat-ibang sigalot o digmaan.




