Epekto ng digmaan, umaabot sa pamilya, komunidad at kalikasan- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,781 total reads

Nagbabala si Pope Leo XIV na ang epekto ng digmaan ay hindi lamang sa larangan ng labanan kundi umaabot sa mga pamilya, komunidad at kalikasan.

Sa kanyang mensahe para sa 11th World Day of Prayer for the Care of Creation, sinabi ng Santo Papa na nagdudulot ang digmaan ng pagkamatay, pagkasira ng tahanan, paglikas at pagkasira ng kapaligiran.

“In place of the weapons of war, the God of peace grants us the strength to heal, to reconcile and to build a civilization of love,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo.

Giit pa ni Pope Leo, maaari rin nitong palalain ang kahirapan, gutom at hindi pagkakapantay-pantay at magdulot ng panibagong kaguluhan.

Nanawagan si Pope Leo na pairalin ang kapayapaan, diyalogo, katarungan at pagmamahal sa halip na karahasan.

“What has been used for destruction,can be redirected toward life, toward the care of the poor, the nourishment of the hungry, and the safeguarding of creation,” ayon sa Santo Papa.

Tema ngayong taon “They shall beat their swords into plowshares and their spears into pruning hooks” (Isaiah 2:4)-ang panawagang gawing mga kagamitan para sa pagsasaka ang mga sandata ng digmaan, bilang simbolo ng pagtataguyod ng buhay at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon pa kay Pope Leo, “The true tools for building peace are not weapons of destruction; instead, they are truth, dialogue, patience, goodness, justice, mercy, understanding, care and love.”

Ipagdiriwang ang World Day of Prayer for the Care of Creation sa Setyembre 1.

Ayon sa Santo Papa, dapat magsimula ang tunay na kapayapaan sa pagbabago ng puso at paggalang sa kapwa at sa sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,025 total reads

 227,025 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,756 total reads

 258,756 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,580 total reads

 360,580 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,143 total reads

 401,143 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,563 total reads

 412,563 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top