ICRC, paiigtingin ang proteksyon sa buhay at dignidad ng mga sibilyan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,112 total reads

Itinampok ng International Committee of the Red Cross o ICRC ang kanilang patuloy na pagtulong na maprotektahan ang buhay at dignidad ng mga sibilyan sa gitna ng mga armadong tunggalian sa Pilipinas bilang bahagi sa paggunita sa World Humanitarian Day.

Ayon kay Von Gustilo – Protection Officer ng ICRC, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagbisita sa mga kulungan at liblib na komunidad bilang bahagi ng mandato ng organisasyon na hikayatin ang mga armadong grupo na sumunod sa international humanitarian law o mga batas ng digmaan.

Kabilang sa kanyang mga karanasan ang pagtugon sa kaso ng isang detainee sa isang kulungan sa Cavite at pakikipag-ugnayan sa mga residente ng isang liblib na komunidad sa Northern Samar kaya giit ng ICRC, layunin ng kanilang trabaho na mapangalagaan ang dignidad at karapatan ng mga taong apektado ng armadong tunggalian.

“For the past 14 years that I have worked for the ICRC, I have become familiar with how armed conflict affects people. They face harm, death or destruction, while some people have had to deal with invisible scars. Some people have lost their livelihoods after they had to move to another place to escape the fighting,” ayon sa mensaheng pinadala ng ICRC sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan sina International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies President Kate Forbes at ICRC President Mirjana Spoljaric ng mas matibay na pagkilos para protektahan ang humanitarian personnel dahil narin sa unang bahagi ng taong ito, 12 kasamahan ng International Red Cross and Red Crescent Movement ang nasawi sa mga insidenteng may kaugnayan sa karahasan, habang 24 naman ang nasawi noong nakaraang taon.

Binigyang-diin ng dalawang lider na hindi dapat maging normal ang pag-atake sa humanitarian workers kaya hinikayat nila ang mga pamahalaan at mga partido sa armadong tunggalian na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng international humanitarian law upang matiyak na ligtas na makararating ang tulong sa mga nangangailangan at makababalik nang ligtas ang mga humanitarian worker sa kanilang mga tahanan.

“The ways in which we help conflict-affected people goes far beyond the examples I have shared. We regularly orient community members and leaders, arms bearers, authorities, journalists, religious groups, and other stakeholders, so that they develop a better understanding of what IHL is and how they can all contribute to an environment that respects the rules of war. This is necessary because the ICRC cannot do this alone— protecting individuals affected by armed conflict requires a collective effort, particularly through all parties to the conflict respecting their
obligations under IHL,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ng ICRC sa RAdyo Veritas.

Una ng kinilala ng Simbahang katolika ang mga Humanitarian Workers at iba pang sektor na may kaugnayan sa gawain sa naging paggunita ng Humanitarian Day na ngayong tayon ay itinuon ng United Nations ang pagdiriwang upang higit at mas kinakailangang pansin ang Universal Health Care at pagsusulong ng kapayapaan sa mundong nababalot ngayon ng ibat-ibang sigalot o digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,007 total reads

 226,007 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,738 total reads

 257,738 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,562 total reads

 359,562 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,124 total reads

 400,124 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,637 total reads

 411,637 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,707 total reads

 22,707 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top