Pangmatagalang hakbang laban sa school violence, panawagan ng COCOPEA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,078 total reads

Nanawagan ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA ng mas malawak at pangmatagalang hakbang para maiwasan ang karahasan sa mga paaralan, kasunod ng mga insidenteng nakaapekto sa academic community ng Ateneo de Zamboanga University.

Pinaabot ng grupo ang pakikiramay at panalangin sa mga biktima, kanilang mga pamilya at buong komunidad ng unibersidad. Hinimok din nito ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon habang nagpapatuloy ang mga imbestigasyon, partikular sa pagprotekta sa pagkakakilanlan, privacy at psychological well-being ng mga menor de edad na sangkot.

Giit ng Organisasyon, kailangang mapanatili ang seguridad sa mga paaralan habang iginagalang ang mga batayang karapatan at dignidad ng mga kabataan kaya anawagan din ito na iwasan ang pagpapakalat ng mga fake news.

“As law enforcement authorities and educational institutions implement necessary security measures, inspections, and searches across school campuses and communities, we must remain vigilant in upholding the basic constitutional rights and recognizing the inherent vulnerabilities of minors. Safety protocols must never compromise the dignity or fundamental protections guaranteed to our youth under the law. True security is achieved only when both safety and rights are respected,” ayon sa mensahe ng COCOPEA.

Ayon sa COCOPEA, hindi sapat ang physical security measures upang tuluyang maiwasan ang school violence kaya iminungkahing pangmatagalang hakbang ang mas matibay na student formation programs, guidance and counseling policies, at pagpapalawak ng mental health support sa mga paaralan.

Binigyang-diin ng COCOPEA na higit pa sa academic instruction ang tungkulin ng mga paaralan dahil mahalaga higit na sa ngayong ang paghubog sa character, moral compass at resilience ng mga kabataan upang sila ay lumaking responsable, makatao at malasakit sa kapwa bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa karahasan sa mga educational spaces.

“Finally, we must never lose faith or relent in our commitment to student formation, even amidst rising incidents of violence in our educational spaces. As schools, our fundamental constitutional mandate extends far beyond delivering academic instruction; it is our highest duty to nurture the character, moral compass, and resilience of our youth. By helping them grow into compassionate and responsible citizens, we fulfill our nation’s greatest hope,” bahagi pa ng mensahe ng COCOPEA.

Una ng pinarating ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang pakikiramay at pakikiisa sa komunidad ng ADZU upang maibsan ang dalamhati at manawagan ng kahinahunan sa naganap na pamamaril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,094 total reads

 222,094 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,825 total reads

 253,825 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,649 total reads

 355,649 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,210 total reads

 396,210 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,987 total reads

 407,987 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,260 total reads

 22,260 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top