Tularan ang buhay ni Santa Rosa de Lima, Bishop Santos sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,477 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na kilalanin at unahin ang Diyos, kasabay ng paggunita sa kapistahan ni Santa Rosa de Lima sa Saint Rose of Lima Parish sa Teresa, Rizal.

Ayon kay Bishop Santos, mahalagang tularan sa buhay ni Santa Rosa ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos at ang pagkilala na ang kagandahan, kakayahan at anumang biyayang tinatanggap ng tao ay nagmumula sa Panginoon.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi dapat gamitin ng tao ang kanyang mga kakayahan para lamang sa sarili, kundi para sa ikaluluwalhati ng Diyos, paglilingkod sa kapwa at pagiging kasangkapan ng kabutihan.

“Unahin po natin ang Diyos. At yung ating natanggap, yung ating kagandahan, kagalingan, kapangyarihan, gamitin po natin para sa Diyos. Gamitin po natin ang ating kakayahan upang tayo ay maging kasangkapan ng kabutihan at mapabuti ang buhay. Magmalasakit po tayo sa ating kapwa at sa ating pagmalasakit, ipakita pa natin ang ating pag-ibig,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na isabuhay ang pagmamalasakit sa bayan, kalikasan at kapwa, kasunod ng halimbawa ni Santa Rosa na handang magpakasakit at magmahal para sa iba.

Ayon sa Obispo, nawa katulad ni Santa Rosa, sa gitna ng mga pagsubok, mahalagang isipin ang Diyos, ang kapwa at ang sarili, dahil ang Diyos ang patuloy na magtataguyod at magtatanggol sa mga taong nagtitiwala sa Kanya.

“Ang Diyos ang magtataguyod sa atin, ang Diyos ang magtatanggol sa atin, ang Diyos ang bahala sa atin. At sa Diyos may kaligtasan, may kasagutan, may kagalingan. Isipin po natin ang Diyos, isipin natin ang kapwa at ating sarili. Sa panahong ito, kailangan natin magmalasakit,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Si Santa Rosa de Lima, na ipinanganak bilang Isabel Flores de Oliva sa Peru noong 1586, ay nakilala sa kanyang buhay ng pananalangin, pagtulong sa mga mahihirap at pag-aalaga sa mga maysakit at walang tahanan, bago pumanaw noong August 24, 1617 sa edad na 31.

Bilang unang taong isinilang sa Amerika na idineklarang santo ng Simbahang Katolika, naging huwaran si Santa Rosa ng paglilingkod at sakripisyo, at idineklara siyang santo ni Pope Clement X noong 1671, si Santa Rosa De Lima rin ang kinikilalang ikalawang Patrona ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 220,868 total reads

 220,868 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 252,599 total reads

 252,599 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 354,423 total reads

 354,423 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 394,984 total reads

 394,984 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 406,820 total reads

 406,820 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,109 total reads

 22,109 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top