Pagtigil sa automatic increase ng sin tax, tinututulan ng A-E-R

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,008 total reads

Iginiit ng Action for Economic Reforms o A-E-R ang pagpapalakas at pagpapataas sa halaga ng sin tax bilang epektibong hakbang para mapababa ang pagkonsumo ng mga produktong may masamang epekto sa kalusugan at lipunan, kabilang ang vape, sigarilyo, alak at matatamis na inumin.

Ayon sa panayam kay Gage Andal, Research and Advocacy Officer ng A-E-R sa program Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas, ipinakita na ng mga nakalipas na polisiya na nakatutulong ang mas mataas na buwis sa pagbawas ng konsumo, ngunit kapansin-pansin ngayon ang muling pagdami ng mga umiinom, naninigarilyo at gumagamit ng vape.

Iginiit ni Andal na kapag itinigil ang automatic increase sa sin tax ay bumaba ang presyo ng mga produktong at maging abot-kaya, lalo na sa kabataan.

“Kapag itinigil ang automatic increase sa buwis, magmura po ang presyo ng vape at sigarilyo kaya mas magiging accessible po siya lalo na sa mga kabataan.”pahayag ni Andal

Iginiit naman ni Andal na hindi dapat gawing dahilan ang banta ng illicit trade para pahinain ang sin tax dahil batay sa mga pag-aaral na hindi mataas na tax rate ang pangunahing nagtutulak sa illicit trade, kundi ang kahinaan sa enforcement, border controls at local governance.

Sinasabi nga po ng iba na ang pagtaas nito ay magdudulot ng illicit trade, ngunit napakarami pong pag-aaral all around the world na nagpapakitang wala pong strong na correlation ang illicit trade at ang higher taxes. Makikita po natin na ang tax rate sa tabako ay pare-pareho buong bansa, ngunit ang illicit trade ay nangyayari lang po sa mga specific na lokasyon tulad ng General Santos at Zamboanga. Ibig sabihin, hindi po tax rate ang pangunahing nagdudulot nito, kung hindi ang kahinaan sa enforcement, border controls, at local governance. Kaya naman hindi po mutually exclusive ang sin taxes at enforcement, kundi dapat pareho po nating itong papalakas at pinagagawang mas epektibo pa,” bahagi pa ng panayam kay Andal.

Binigyang-diin ng A-E-R na ang kita mula sa sin tax ay inilalaan sa ilalim ng batas para sa Universal Health Care, kaya dapat itong protektahan at tiyaking napapakinabangan ng lahat, lalo na ng mahihirap.

Higit sa revenue generation, layunin ng sin tax na maprotektahan ang kalusugan ng publiko at maiwasan ang addiction at iba pang social at health costs na dulot ng mga produktong ito.

Sa Catechism of the Catholic Church, lubos na kinukundena ang mga sin products na katulad ng alak at sigarilyo dahil higit na pinapangalagaan at pinapahalagahan ng simbahang ang kasagraduhan ng buhay sinisira lamang ng pagbibisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,242 total reads

 224,242 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,973 total reads

 255,973 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,797 total reads

 357,797 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,359 total reads

 398,359 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,991 total reads

 409,991 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,528 total reads

 22,528 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top