Ayon kay Fr. Geowen Porciuncula, CM, executive director ng Vincentian Foundation, dapat magbago ang pananaw ng lipunan sa usapin ng homelessness.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,880 total reads

Kilalanin at igalang ang mga pamilyang nakatira sa lansangan, apela ng Vincentian foundation

Hinimok ng Vincentian Foundation ang publiko na kilalanin at igalang ang mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.
Ito ang mensahe ng pari sa paggunita ng ika-36 na taon ng pagkakatatag ng institusyon sa ginanap na programa noong August 29 sa Bulwagang San Vicente de Paul sa Quezon City.

Ayon kay Fr. Geowen Porciuncula, CM, executive director ng Vincentian Foundation, dapat magbago ang pananaw ng lipunan sa usapin ng homelessness.

“Kapag pinag-uusapan natin ang homelessness, una nating laging isipin na may mukha ang sektor na ito. They are not just homeless; they are not just people living rough. Kundi, itong mga ito ay may mukha, may pamilya, at may mga pangarap,” pahayag ni Fr. Porciuncula sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, ang pagkilala at simpleng pakikipag-usap sa mga taong nasa lansangan ay mahalagang unang hakbang upang maramdaman nilang nakikita at kinikilala sila ng lipunan at maipadama ang diwa ng habag at pag-ibig ng Panginoon.
“Ang simpleng pakikipag-usap sa kanila, sharing stories, making them identified, and making them feel their presence—malaking bagay at malaking tulong na ito sa kanila,” ani Fr. Porciuncula.

Bilang tugon sa lumalalim na suliranin ng homelessness, sinabi ng foundation na mas tututukan nito ang mga pamilyang nasa street-dwelling situations sa Metro Manila sa pamamagitan ng Onward Home Project.

“We made a specific focus on families in street-dwelling situations, specifically in Metro Manila,” saad ni Fr. Porciuncula.

Sa proyekto, nagtutulungan ang Vincentian Foundation, DePaul Philippines, at mga kasapi ng Vincentian Family—kabilang ang Daughters of Charity, Congregation of the Mission, Ladies of Charity, at Society of St. Vincent de Paul—upang maihatid ang holistic, integral, at gospel-based na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya.

Aniya, ito ang tugon ng institusyon sa dumaraming bilang ng mga walang tahanan na batay sa datos, tinatayang nasa 3 milyong katao.

Binigyang-diin ng pari na hindi lamang pagbibigay ng tirahan ang layunin ng programa, kundi ang paghahanda ng mga pamilya para sa matatag na pamumuhay sa komunidad sa pamamagitan ng community building, leadership capacitation, faith formation, at values education.

“Sa simula pa lang, kasama na sila sa pag-create ng ating mga programs at mga interventions,” ani Fr. Porciuncula, na iginiit ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga benepisyaryo sa pagbuo ng mga tugon sa kanilang kalagayan.

Kasabay ng paglawak ng mga programa, tiniyak din ng foundation ang maingat na pangangasiwa sa mga pondong ipinagkakatiwala rito.

“Mini-maintain natin lagi na below 20 percent ang ating operational at administrative costs para mas malaking pondo ang napupunta sa ating programs,” ayon kay Fr. Porciuncula.

Nanawagan naman ang pari sa mga mananampalataya at sa publiko na makilahok sa mga inisyatiba para sa mga walang tahanan sa pamamagitan ng pagboboluntaryo, pagbabahagi ng kakayahan at panahon, at pananalangin.

“Hindi lang kami social workers, hindi lang kami development workers, kundi kami ay mga missionaries at mga disipulo ni Kristo,” pahayag ni Fr. Porciuncula.

“When we do development work, when we do social work, it has to be gospel-based.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 45,986 total reads

 45,986 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 150,606 total reads

 150,606 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 236,717 total reads

 236,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 306,850 total reads

 306,850 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 338,613 total reads

 338,613 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top